Makinang panahi
Ang makinang panahi ay isang kagamitang pambahay o pampagawaan[1] na pantahi ng mga damit, sapatos, o ibang pinaggagamitan ng kayò (tela) at sinulid katulad ng sapin ng unan at higaan.
Pagtahi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkakawingan ng sinulid sa kabitan ng kayò
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pananahing may kawingan sa kabitan (tinatawag na edging o overlocking sa Ingles) ay ginagamitan ng dalawa hanggang apat na sinulid, isa o dalawang karayom, at isa o dalawang pang-ikot ng sinulid (looper). Ang mga panahi sa kabitan ay madalas may panabas sa kabitan ng kayò o tela upang maipantay ang kabitan sa bawa't tahi.
Isang paraan sa pagpapatibay ng tahi sa kabitan, o safety stitch, ay ang tumahi muna ng panugtungan, o chain stitch, gamit ang isang karayom at pang-ikot ng sinulid, o looper, at saka gawin ang tahi sa kabitan gamit ang mga iba pang karayom at looper. Limang sinulid o higit pa ang ginagamit dito. Ganito rin ang gamit na pangkabit sa mabanat na kayò o tela.
Dalawa hanggang apat na sinulid ang pinakamadalas na bilang na ginagamit sa panahi sa kabitan. Madalas na ang pagsasaayos ng panahi ay nababago ayon sa iba't-ibang pagtahi sa kabitan.
Mga bahagi
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Spool pin - lagayan ng karete ng sinulid na pang-itaas.
- Presser foot - umiipit sa tela habang tinatahi.
- Tension regulator - bahaging nagpapaluwag o nagpapahigpit ng tahi.
- Thread guide - gabay sa sinulid mula sa spool pin hanggang sa karayom upang hindi mawala sa lugar.
- Thread take up lever - humihila sa sinulid na panahi sa tela.
- Needle clamp - humahawak sa karayom ng makina.
- Presser bar lifter - nagbaba o nagtataas ng presser foot.
- Feed dog - bahaging nasa ilalim ng presser foot na nagtutulak sa tela habang ito ay nagtatahi.
- Bobina o bobbin - lagayan ng pang-ilalim na sinulid.
- Bobbin case - kaha na lalagyan ng bobina.
- Balance wheel - gulong sa ibabaw na hinahawakan ung sisimulan ang pagpapaandar o ihihinto ang pananahi.
- Stop motion screw - ang malaking turnilyio na nakakabit sa balance wheel na siyang nagpapahinto.
- Bobbin winder - kidkiran ng sinulid sa bobina.
- Stitch regulator - bahaging nagpapaikli o nagpapahaba sa tahi.
- Belt - koriyang nag-uugnay sa balance wheel at drive wheel.
- Drive wheel - malaking gulong na pang-ilalim.
- Treadle - tapakan na nagpapaandar sa malaking gulong habang nananahi.
- Belt guide - pumapatnubay sa koriya upang hindi ito mawala sa lugar.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Sewing machine." Encyclopedia.com. Hinango noong 04 Marso 2019.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.