[go: nahoru, domu]

Pumunta sa nilalaman

Kubrador

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kubrador
DirektorJeffrey Jeturian
PrinodyusJoji Alonso
MLR Films
SumulatRalston Jover
Itinatampok sinaGina Pareño
Soliman Cruz
Nanding Josef
Johnny Manahan
Jhong Del Rosario
Nico Antonio
Fonz Deza
MusikaJerrold Tarog
SinematograpiyaRoberto Yniguez
In-edit niJay Halili
Inilabas noong
2006
Haba
98 minuto
BansaPilipinas
WikaTagalog

Ang Kubrador (Ingles na pamagat: The Bet Collector) (2006), ay isang pelikulang Pilipino na nakasentro jueteng, isang sugal na nagmula pa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

Nakatuon ang kuwento sa tatlong araw sa buhay ni Amelita (ginampanan ni Gina Pareno), isang kubrador para sa bawal na sugal na jueteng. Araw-araw siyang nangongolekta ng mga taya mula sa kanyang mga regular na mga parokyano sa kabila ng pagpuksa ng pamahalaan sa larong ito. Isang araw, nahuli siya ng pulis. Nasama siya sa iba pang mga kubrador sa himpilan ng pulis hanggang nagpiyansa ang kanyang protektor.

Nang kinaumagahan, patuloy pa rin si Amelita sa kanyang mga ilegal na gawain. May isang Katolikong pari ang nakilala niya na nagsabing namatay sa isang aksidente ang kapitbahay niyang bata pa. Hiniling ng pari na mangolekta siya ng mga donasyon mula sa mga kapitbahay at mga kaibigan. Pagkatapos noon, isang serye ng mga pangyayari ang nagbago sa kanyang maka-mundong buhay sa isang masalimuot na laro ng buhay, kapalaran at kamatayan.

Bansang pinalabas[1] Petsa Tanda
Canada Canada 8 Setyembre 2006 Ipinalabas sa Toronto Film Festival
Pilipinas Pilipinas 3 Nobyembre 2006 Ipinalabas sa Cinemanila Film Festival
Pransiya Pransiya 11 Nobyembre 2006 Ipinalabas sa Amiens International Film Festival
Estonia Estonia 2 Disyembre 2006 Ipinalabas sa Tallinn Black Nights Film Festival
Poland Poland 20 Hulyo 2007 Ipinalabas sa ERA New Horizons Film Festival
Estados Unidos Estados Unidos Enero 10 at 11, 2008 Ipinalabas sa Museum of Modern Art

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Pelikula-Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula mula sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.