[go: nahoru, domu]

Anju, Hilagang Korea

Ang Anju (Pagbabaybay sa Koreano: [an.dzu], o Anju-si na nangangahulugang "Lungsod Anju") ay isang lungsod sa lalawigan ng Timog P'yŏngan sa Hilagang Korea, at matatagpuan ito sa mga koordinatong 39°37′N 125°40′E / 39.62°N 125.66°E / 39.62; 125.66. Ang populasyon nito ay 240,117 katao noong 2008.[1] Dumadaan ang Ilog Ch'ongch'on sa lungsod.

Anju

안주시
Transkripsyong Koreano
 • Chosŏn'gŭl
 • Hancha
 • McCune-ReischauerAnju-si
 • Revised RomanizationAnju-si
Tanawin ng Anju
Tanawin ng Anju
Lokasyon ng Anju
Bansa Hilagang Korea
LalawiganTimog P'yongan
Mga paghahati-hating pampangasiwaan20 tong ("neighborhood"), 22 ri ("nayon")
Populasyon
 (2008)[1]
 • Kabuuan240,117

Ekonomiya

baguhin

Nakapuwesto ang Anju malapit sa mga malaking deposito ng antrasitang karbon, at may isa sa mga pinakamalaking pasilidad ng paggawa ng karbon sa bansa.[2] Naglalaman ang mga ito ng higit sa 130 milyong metrikong tonelada ng karbon.[3] Ang distrito ng Namhŭng-dong (남흥동) ay ang kinaroroonan ng Namhŭng Youth Chemical Complex, isa sa mga pinakamahalagang pinagsamang kompaniyang kimikal sa Hilagang Korea.[4]

Transportasyon

baguhin

Pinaglilingkuran ang Anju ng ilang mga estasyon sa mga linyang P'yŏngŭi at Kaech'ŏn ng Korean State Railway.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 North Korean Central Statistic Bureau, 2008 Census Naka-arkibo 2011-05-14 sa Wayback Machine..
  2. North Korea Handbook. M.E. Sharpe. 2003. ISBN 0765610043. Nakuha noong 18 Hulyo 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kuo, Chin S. (1994). "The mineral industry of North Korea" (PDF). Nakuha noong 18 Hulyo 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Joseph S. Bermudez Jr. (10 Abril 2014). "North Korea's Namhung Youth Chemical Complex: Seven Years of Construction Pays Off". US-Korea Institute at SAIS.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga karagdagang babasahin

baguhin
  • Dormels, Rainer. North Korea's Cities: Industrial facilities, internal structures and typification. Jimoondang, 2014. ISBN 978-89-6297-167-5

Mga kawing panlabas

baguhin