George Estregan
Si Jesus Jorge Marcelo Ejercito[1][2] (Hulyo 10, 1939 – Agosto 8, 1988), mas kilala bilang George Estregan o George Estregan Sr., ay isang artista mula sa Pilipinas na nanalo ng tatlong beses sa FAMAS.
George Estregan | |
---|---|
Kapanganakan | Jesus Jorge Marcelo Ejercito[1] 10 Hulyo 1939 Tondo, Maynila, Komonwelt ng Pilipinas |
Kamatayan | 8 Agosto 1988 Santa Mesa, Maynila, Pilipinas | (edad 49)
Trabaho | Artista |
Aktibong taon | 1963–1988 |
Asawa | Ramona Pelayo |
Anak | 6 (kabilang sina E.R. ("George Jr."), Gary at Gherome) |
Pamilya | Joseph Estrada (kapatid) |
Parangal | Pinakamahusay na Aktor ng FAMAS 1972 Sukdulan Pinakamahusay na Pansuportang Aktor ng FAMAS 1978 Kid Kaliwete 1980 Lumakad Kang Hubad sa Mundong Ibabaw |
Unang lumabas si Estregan noong 1963 sa pelikulang Jose Nazareno, Ang Taxi Driver.[3] Madalas siyang lumalabas bilang isang kontrabida at kilala bilang ang "Hari ng Penetrasyon" o "Penetration King" ng erotikang pelikulang Pilipino.[3]
Nanalo si Estregan ng maraming kritikal na pagkilala sa marami ng kanyang pagganap. Noong 1972, ginawaran siya ng parangal ng FAMAS bilang Pinakamahusay na Aktor para sa pelikulang Sukdulan, at nanalo pa ng dalawang iba pang parangal ng FAMAS bilang Pinakamahusay na Pansuportang Aktor para sa mga pelikulang Kid Kaliwete (1978) at Lumakad Kang Hubad sa Mundong Ibabaw (1980). Nanomina siya para iba pang Gawad ng FAMAS para sa tatlong pelikula, bilang Pinakamahusay na Aktor sa Lumapit, Lumayo ang Umaga (1975) at Lalake Ako (1982), at para sa Pinakamahusay na Pansuportang Aktor sa Magkayakap sa Magdamag (1986). Nakatanggap din siya ng isang nominasyon mula sa Gawad Urian bilang Pinakamahusay na Aktor para sa pelikulang Hostage: Hanapin si Batuigas (1977).
Maagang buhay
baguhinIpinanganak si Jesus Jorge Marcelo Ejercito noong Hulyo 10, 1939 sa ganap na 12:35 ng gabi sa Ospital ng Panganganak ng Manuguit (kilala na ngayon bilang Ospital ng Panganganak ng Amisola) sa Tondo, Maynila kina Inhinyero Emilio Ejercito, Sr. (1898–1977) at Mary Ejercito (1906–2009).[1] Nakakatandang kapatid niya si dating Pangulo ng Pilipinas at dating Alkalde ng Maynila na si Joseph Estrada.[3]
Pansariling buhay
baguhinIkinasal siya kay Ramona Pelayo-Ejercito ng Ibajay, Aklan, at mayroon silang apat na anak: sina Emilio Ramon Ejercito III ("George Estregan, Jr.") na isang politiko at artista, Maria Georgina Ejercito, Kurt Joseph Ejercito, at George Gerald Ejercito. Anak din niya sa ibang babae sina Gary Jason Ejercito ("Gary Estrada") na isang aktor at Gherome Eric Ejercito na manlalaro ng PBA para sa Rain or Shine Elasto Painters. Isang artista din ang kanyang apo na si Kiko Estrada.
Kamatayan
baguhinNamatay si Estregan noong siya ay 49 na gulang sa ganap na 4:45 ng umaga noong Agosto 8, 1988 sa Ospital ng Ina ng Lourdes sa Santa Mesa, Maynila pagktapos ng pakikipaglaban sa kanser sa buto. May mga balita na nagkaroon siya ng AIDS.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "FamilySearch" (sa wikang Ingles).
- ↑ 2.0 2.1 Sinel, Concon (Agosto 9, 1999). "Film actor Estregan dies at 49". news.google.com/newspapers (sa wikang Ingles). Manila Standard, The Natiom. p. 8. Nakuha noong Mayo 24, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Villanueva, p. 243