Gyeongbokgung
Palasyo Gyeongbok | |
---|---|
경복궁 | |
Pangkalahatang impormasyon | |
Uri | Maharlikang palasyo (dati) |
Estilong arkitektural | Koreano |
Bayan o lungsod | Distrito Jongno, Seoul |
Bansa | Timog Korea |
Mga koordinado | 37°34′43″N 126°58′38″E / 37.57861°N 126.97722°E |
Kasalukuyang gumagamit | Pambansang Palasyong Museo ng Korea Pambansang Pangkulturang Museo ng Korea |
Binuksan | 1395 |
Pangalang Koreano | |
Hangul | 경복궁 |
Hanja | 景福宮 |
Binagong Romanisasyon | Gyeongbokgung |
McCune–Reischauer | Kyŏngbokkung |
Ang Gyeongbokgung (Koreano: 경복궁; Hanja: 景福宮), na kilala rin bilang Palasyo Gyeongbokgung o Palasyo Gyeongbok, ay ang pangunahing palasyo ng hari ng dinastiyang Joseon. Itinayo noong 1395, ito ay matatagpuan sa hilagang Seoul, Timog Korea. Ang pinakamalaki sa Limang Malalaking Palasyo na itinayo ng dinastiyang Joseon, ang Gyeongbokgung ay nagsilbing tahanan ng mga Hari ng dinastiyang Joseon, mga sambahayan ng mga Hari, pati na rin ang pamahalaan ng Joseon.
Ang Gyeongbokgung ay nagpatuloy na nagsilbing pangunahing palasyo ng dinastiyang Joseon hanggang sa ang lugar ay nawasak ng apoy sa panahon ng Digmaang Imjin (1592–1598) at inabandona sa loob ng dalawang siglo. Gayunpaman, noong ika-19 na siglo, lahat ng 7,700 silid ng palasyo ay ipinanumbalik sa kalaunan sa ilalim ng pamumuno ni Prinsipe Rehente Heungseon panahon ng paghahari ni Haring Gojong. Mga 500 gusali ang ipinanumbalik sa isang lugar na mahigit 40 ektarya.[1][2] Ang mga prinsipyo ng arkitektura ng sinaunang Korea ay isinanib sa tradisyon at hitsura ng korte ng hari ng Joseon.
Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, ang kalakhan sa palasyo ay sistematikong sinira ng Imperyo ng Hapon. Mula noong dekada '90, unti-unting ipinanumbalik sa orihinal nitong anyo ang napapaderan na complex ng palasyo. Noong Enero 21, 1963, ito ay itinalaga bilang isang kultural na pag-aari.[3] Sa ngayon, ang palasyo ay masasabing itinuturing na pinakamaganda at pinakadakila sa lahat ng limang palasyo. Matatagpuan ang Pambansang Palasyong Museo ng Korea at ang Pambansang Pangkulturang Museo ng Korea sa loob ng lugar ng complex.
Pangkalahatan
baguhinAng Gyeongbokgung ay itinayo tatlong taon pagkatapos itatag ang dinastiyang Joseon at ito ang nagsilbing pangunahing palasyo nito. Kasama ang Bundok Bugak bilang likuran at ang Kalye ng Anim na Ministro (ngayon ay Sejongno) sa labas ng Tarangkahang Gwanghwamun, ang pangunahing pasukan sa palasyo, ang Gyeongbokgung ay matatagpuan sa gitna ng kabeserang lungsod ng Korea. Ito ay patuloy na pinalawak bago naging abo sa panahon ng pagsalakay ng mga Hapones noong 1592.
Sa susunod na 273 taon, ang mga bakuran ng palasyo ay naiwan hanggang sa muling itinayo noong 1867 sa ilalim ng pamumuno ni Rehente Heungseon Daewongun. Ang pagpapanumbalik ay natapos nang dakila, na may 330 mga gusali na nagsisiksikan sa isang labirintong pagkakaayos. Sa loob ng mga pader ng palasyo ay ang Panlabas na Korte (oejeon), mga opisina para sa hari at mga opisyal ng estado, at ang Panloob na Korte (naejeon), na kinabibilangan ng mga tirahan para sa maharlikang pamilya pati na rin ang mga hardin para sa paglilibang. Sa loob ng malawak na sakop nito ay may iba pang mga palasyo, malaki at maliit, kabilang ang Junggung (tirahan ng Reyna) at Donggung (tirahan ng Kinoronahang Prinsipe).
Dahil sa katayuan nito bilang simbolo ng pambansang soberanya, ang Gyeongbokgung ay napinsala nang husto sa panahon ng pananakop ng mga Hapon noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Noong 1911, ang pagmamay-ari ng lupa sa palasyo ay inilipat sa Gobernador-Heneral ng Hapon. Noong 1915, dahil sa pagdaraos ng isang eksibisyon, higit sa 90% ng mga gusali ang nawasak. Kasunod ng eksibisyon, pinatag ng mga Hapon ang anumang natitira at itinayo ang kanilang kolonyal na punong-tanggapan, ang Gusali ng Gobernador-Heneral (1916–26), sa pook. Iilan lamang sa mga iconic na estruktura ang nakaligtas, kabilang ang Bulwagan ng Trono at Pavilion ng Gyeonghoeru.
Ang mga pagsisikap sa pagpapanumbalik ay nagpapatuloy mula noong 1990. Inalis ang Gusali ng Gobernador-Heneral noong 1996 at ang Tarangkahang Heungnyemun (2001) at Tarangkahang Gwanghwamun (2006-2010) ay muling itinayo sa kanilang orihinal na mga lokasyon at anyo. Nakompleto na rin ang mga muling pagtatayo ng Panloob na Korte at ang tirahan ng Kinoronahang Prinsipe.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ (PDF) http://www.royalpalace.go.kr:8080/content/guide/gyeongbokgung_eng201307.pdf. Nakuha noong 2014-10-21.
{{cite web}}
: Missing or empty|title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GYEONGBOKGUNG PALACE". GYEONGBOKGUNG PALACE. Nakuha noong 2018-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "경복궁". terms.naver.com (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2021-04-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)