[go: nahoru, domu]

Hieron II ng Siracusa

Si Hieron II (c. 308 BCE – 215 BCE), na nakikilala rin bilang Hiero II, Hiero II ng Siracusa at Hieron II ng Siracusa, ay ang Griyegong haring Siciliano ng Siracusa mula 270 BCE hanggang 215 BCE, at ang lalaking "anak sa labas" ("putok sa buho") ng isang maharlikang Siracusano na si Hierocles ng Siracusa, na umangkin ng katayuan bilang nagmula sa angkan ni Gelo (Gelon). Dati siyang heneral ni Pyrrhus ng Epirus at isang mahalagang pigura o tao sa Unang Digmaang Puniko.[1] Ang asawa niya ay si Philistis.

Coin of Hiero II of Syracuse
Wangis ng asawa ni Hiero II ng Siracusa na si Philistis (nasa kaliwa), mula sa isang barya.

Sa paglisan ni Pyrrhus mula sa Sicilia noong 275 BCE, itinalaga si Hieron II ng hukbong panlupa at ng mga mamamayan ng Siracusa bilang komandante ng mga tropa. Pinalakas niya ang kaniyang posisyon sa pamamagitan ng pagpapakasal sa anak na babae ni Leptines, ang nangungunang mamamayan. Samantala, ang Mamertines, na isang katawan ng mga mersenaryo ng Campania na binabayaran ni Agathocles ang kanilang paglilingkod, ay kinuha ang matibay na tanggulan ng Messana, at nagpatuloy sa panliligalig ng mga Siracusano. Nagapi sila, sa wakas, ni Hieron II sa isang labanan na naganap malapit sa Mylae, na napigilan lamang na madakip ang Messana dahil sa pakikialam ng mga Carthaginiano. Pagkaraan nito, ginawa siyang hari ng nagpapasalamat niyang mga kababayan noong 270 BCE.

Noong 264 BCE, nagbalik siyang muli sa paglusob, at tumawag ang mga Mamertines ng pagtulong mula sa Roma.[2] Kaagad na sumapi si Hieron II sa pinunong Puniko na si Hanno, na noon ay kamakailan lamang na dumaong at lumapag sa Sicilia; subalit dahil ang pakikipaglaban sa isang pakikipaglaban sa mga Romano na pinamumunuan ng konsul na si Appius Claudius Caudex ay walang tiyak na kahihinatnan, umurong si Hieron II na papunta sa Siracusa. Dahil nagigiit at napapaatras ng mga puwersang Romano, nakipagkasundo siya sa mga Romano noong 263 BCE sa pamamagitan ng isang tratado, kung saan siya ay mamumuno sa timog-silangan ng Sicilia at sa silangang dalampasigan na umaabot sa Tauromenium.[3]

Magmula noong panahong ito hanggang sa kaniyang kamatayan noong 215 BCE, nanatiling matapat si Hiero II sa mga Romano, at madalas na tinutulungan ang mga ito sa pamamagitan ng mga tauhan at ng mga kailangang mga bagay-bagay noong panahon ng digmaang Puniko.[4] Nagpanatili siya ng isang makapangyarihang pulutong ng mga hukbong pandagat at mga sasakyang dagat para sa mga layunin ng pagtatanggol, at hinirang na maghanapbuhay para sa kaniya ang bantog na kamag-anak na si Archimedes sa pagbubuo ng mga makina, na sa sumunod na petsa, ay gumanap ng isang mahalagang gampanin noong panahon ng paglusob ng mga Romano sa Siracusa.

Ayon sa isang kuwento na isinalaysay ni Vitruvius,[5] nagduda si Hiero II kung nililinlang siya ng kaniyang platero (panday-ginto) na binigyan niya ng ginto upang magpagawa ng isang korona ng pangako para sa isang templo. Hiniling niya kay Archimedes na alamin kung ang lahat ng mga ginto ay ginamit ng platero, at pumayag naman si Archimedes. Nang matuklasan ni Archimedes ang prinsipyo ng paglinsad (displacement, "pagkawala sa ayos") ay nangailangang sukatin ang densidad (kasiksikan) ng korona, at sinabing napasigaw ng "Eureka, eureka!" habang tumatakbong naka-hubo't hubad sa kahabaan ng Siracusa. Tinapos ni Vitruvius ang kuwentong ito sa pagpapahayag na matagumpay na napuna at nalaman ng pamamaraan ni Archimedes ang panlolokong ginawa ng panday-ginto; kinuha ng platero ang ilan sa ginto at pinalitan ang kinuha niya ng pilak.

Isang paglalarawan ng kasaganaan ng Siracusa habang namumuno si Hiero II ay ibinigay sa isang maiksing tula hinggil sa "maligayang buhay" (idyll) noong ika-16 na daantaon na isinulat ni Theocritus, ang paboritong makata ni Hiero II.[6]

Sa Ang Prinsipe (VI), binanggit ni Machiavelli si Hiero II bilang isang katangi-tanging mabuti, mabati at malinis na tao at isang bihirang halimbawa ng isang tao na umangat sa kaprinsipehan (pagkaprinsipe) mula sa katayuang pribado.

Mga sanggunian

baguhin
Nauna si:
Controlled by Pyrrhus ng Epirus
Maniniil ng Siracusa
275 BCE – 215 BCE
Sumunod si:
Hieronymus