[go: nahoru, domu]

Mga talatang makasatanas

(Idinirekta mula sa Satanikong Talata)
Para sa nobela ni Salman Rushdie, tingnan ang Ang mga Talatang Makasatanas.

Ang Mga talatang makasatanas o Mga Talatang Sataniko ay ang katawagang ibinigay sa isang maliwanag na kalipunan ng mga talatang pagano ng Koran. Ito ay sinasabing temporaryong isinama sa Koran ng tagapagtatag at propeta ng Islam na si Muhammad ngunit kalaunang inalis. Ang salaysay na hinango mula sa hadith na kinasasangkutan ng mga talatang ito ay maaaring basahin sa ibang mga lugar kabilang ang mga talambuhay ni Muhammad n al-Wāqidī, Ibn Sa'd (na skriba ni Waqidi), al-Tabarī, at Ibn Ishaq.

Salaysay

baguhin

Ayon sa tradisyong Muslim, ang asawa ni Muhammad na si Khadija ang unang naniwala na siya ay isang propeta. Ito ay agad na sinundan ng sampung taong gulang na pinsan ni Muhammad na si Ali ibn Abi Talib na malapit na kaibigan ni Abu Bakr at inampong anak ni Zaid. Noong mga 613 CE, sinimulan ni Muhammad ang kanyang pangangaral ng publiko (Quran 26:214). Siya ay hindi pinansin at kinutya ng karamihan ng mga Mecacn samantalang ang iba ay kanyang naging mga tagasunod. Mayroong tatlong pangunahing mga pangkat ng sinaunang mga tagasunod ni Muhammad: mga batang kapatid at anak ng mga dakilang mangangalakal; mga taong naalis sa unang ranggo ng kanilang tribo o nabigong makamit ito; at mga mahina at karamihang hindi protektadong dayuhan. Ayon kay Ibn Sad, ang pagtutol sa Mecca ay nagsimula nang si Muhammad ay maghayag ng mga talatang kumokondena sa pagsamba ng mga idolo (diyos-diyosan) at ng mga ninunong Meccan na nagsagawa ng politeismo. Gayunpman, sinasabi ng ekshesis na Quraniko na ito ay nagmula sa sandaling mangaral ng publiko si Muhammad. Habang ang bilang ng mga tagasunod ni Muhammad ay lumago, siya ay naging banta sa mga lokal na tribo at mga pinuno ng lungsod na ang kayamanan ay nakasalig sa Kaaba, na sentro ng relihiyosong buhay ng Mecca at binantaan ni Muhammad na pababagsakin. Ang pagtakwil ni Muhammad ng tradisyonal na relihiyong Meccan ay lalong opensibo sa kanyang sariling tribo na Quraysh dahil ang mga ito ang tagapag-ingat ng Kaaba. Ang makapangyarihang mga mangangalakal ay sumubok na kumibinsihin si Muhammad na iwan ang kanyang pangangaral sa pamamagitan ng pag-aalok ng pagpasok sa panloob na pangkat ng mga mangangalakal at pagpapatibay ng kanyang posisyon sa pamamagitan ng isang nakapakikinabangang pagpapakasal. Gayunpaman, si Muhammad ay tumanggi. Ang tradisyon ay nagtatala ng pag-uusig at masamang pakikitungo kay Muhammad at ng kanyang mga tagasunod. Si Sumayyah bint Khabbab na isang babaeng alipin ng kilalang pinunong Meccan na si Abu Jahl ay kilala bilang unang martir ng Islam na pinatay ng sibat ng kanyang pinuno nang ito ay tumangging itakwil ang kanyang pananampalataya. Si Bilal na isa pang aliping Muslim ay pinahirapan ni Umayyah ibn Khalaf na naglagay ng isang mabigat na bato sa kanyang dibdib upang pwersahin ang kanyang konbersiyon. Sa kabila ng mga insulto, si Muhammad ay naprotektahan mula sa panganib na pisikal dahil siya ay kaanib sa angkang Banu Hashim. Noong 615 CE, ang ilan sa mga tagasunod ni Muhammad ay lumipat sa Imperyong Etiopian na Aksumite at nagtatag ng isang maliit na kolonya dito sa ilalim ng proteksiyon ng Emperador na Kristiyanong si Aṣḥama ibn Abjar. Dahil sa kadesperaduhan ng pag-asa ni Muhammad ng akomodasyon sa kanyang tribo dahil sa takot o sa pag-asang magtagumpay sa paraang ito, kanyang inihayag ang isang talata na kumikilala sa pag-iral ng tatlong mga diyosang Meccan na itinuturing na mga anak na babae ni Allah at umapela sa mga ito para sa pamamagitan o intersesyon ng mga ito. Kalaunan ay binawi ni Muhammad ang mga talatang ito sa utos ni Gabriel na nag-aangking ang mga talatang ito ay ibinulong ng mismong diyablo.

May maraming mga salaysay na nag-uulat ng insidenteng ito.[1] Ang iba't ibang mga bersiyon ng salaysay na ito ay lahat nagmula sa isang tagapagsalaysay na si Muhammad ibn Ka'b. Sa anyo nito, ang kuwento ay nag-uulat na nagnais si Muhammad na akayin ang kanyang mga kamag-anak at kapitbahay sa Mecca tungo sa relihiyong Islam. Habang kanyang binibigkas ang Sūra an-Najm,[2] na itinuturing na isang pahayag ng anghel na si Gabriel, tinukso ni Shaitan (Satanas) si Muhammad na bigkasin ang mga sumusunod na talata pagkatapos ng mga ayat (talatang) na 19 at 20:

Naisip mo ba ang Al-Lat at Al-‘Uzzá
at Manāt, ang ikatlo, ang iba pa?
Ang mga ito ay itinaas na gharāniq, na ang intersesyon (pamamagitan) ay inaasahan.

Ang Allāt, al-'Uzzā at Manāt ay mga diyosa na sinasamba ng mga Meccan. Ang pagtukoy ng kahulugan ng "gharāniq" ay mahirap dahil ito ay hapax legomenon (i.e. isang beses lang ginamit sa teksto). Ito ay pinakahulugan ng mga komentador na ibong crane. Ang Arabikong salita ay pangkalahatang nangangahulugang "crane" na lumilitaw na singular na ghirnīq, ghurnūq, ghirnawq at ghurnayq. Ang salitang ito ay may mga anyo sa ibang mga salita para sa mga ibon kabilang ang raven, uwak at agila.[3] Ang ipinapahiwatig na kahulugan ng salaysay na ito ay si Muhammad umuurong sa kanyang paniniwalang monoteismo sa pamamagitan ng pagsasabi na ang mga diyosang ito ay tunay at ang intersesyon ng mga ito ay epektibo. Nagalak ang mga Meccan na marinig ito at sinamahan si Muhammad sa ritwal na pagpapatirapa sa wakas ng sūrah. Narinig ng mga tumakas sa Abyssinia na Meccan ang pagwawakas ng pag-uusig at nagsimulang bumalik sa kanilang mga tahanan. Ayon sa tradisyong Islamiko, kinastigo ni Gabriel si Muhammad sa pagpaparumi ng pahayag at sa puntong ito, ang [Qur'an 22:52] ay inihayag upang aliwin siya. Binawi ni Muhammad ang kanyang mga salita at ang fitna (pag-uusig) ng mga Meccan ay nagpatuloy. Ang mga talatang [Qur'an 53:21] ay ibinigay kung saan ang mga diyosa ay minata.

Pagpasa

baguhin

Ang insidenteng ito ay iniulat sa tafsir at panitikang sir-maghazi na mula sa una at ikalawang siglo ng Islam. Ito ay iniulat sa mga tafsir na ipinasa mula sa halos bawat komentador ng Koran sa unang mga dalawang siglo ng hijra.

Mga pananaw

baguhin

Ang mga talatang ito ay nakikitang problematiko sa maraming mga Muslim dahil ang mga ito ay malalim na heretikal dahil sa ang pagpayag ng intersesyon ng tatlong mga diyosang pagano, sinira nito ang autoridad at omnipotensiya ni Allah.

Ang salaysay na ito ay tinatanggap ng mga orientalista na nangyari.[4] Ito ay pinaniniwalaang tunay batay sa hindi posibleng pag-iimbento ng kuwento ng mga sinaunang Muslim na hindi maganda sa kanilang propeta.

Sanggunian

baguhin
  1. Ahmed, Shahab (2008), "Satanic Verses", sa Dammen McAuliffe, Jane (pat.), Encyclopaedia of the Qurʾān, Georgetown University, Washington DC: Brill (nilathala 14 Agosto 2008){{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. (Q.53)
  3. Militarev, Alexander; Kogan, Leonid (2005), Semitic Etymological Dictionary 2: Animal Names, Alter Orient und Altes Testament, bol. 278/2, Münster: Ugarit-Verlag, pp. 131–132, ISBN 3-934628-57-5{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. EoQ, Satanic Verses. For scholars that accept the historicity, see
    • Michael Cook, Muhammad. In Founders of Faith, Oxford University Press, 1986, page 309.
    • Etan Kohlberg, A Medieval Muslim Scholar at Work: Ibn Tawus and His Library. Brill, 1992, page 20.
    • F.E. Peters, The Hajj, Princeton University Press, 1994, page 37. See also The Monotheists: Jews, Christians, and Muslims in Conflict and Competition, Princeton University Press, 2003, page 94.
    • William Muir, The Life of Mahomet, Smith, Elder 1878, page 88.
    • John D. Erickson, Islam and Postcolonial Narrative. Cambridge University Press, 1990, page 140.
    • Thomas Patrick Hughes, A Dictionary of Islam, Asian Educational Services, page 191.
    • Maxime Rodinson, Prophet of Islam, Tauris Parke Paperbacks, 2002, page 113.
    • Montgomery Watt, Muhammad: Prophet and Statesman. Oxford University Press 1961, page 60.
    • Daniel J. Sahas, Iconoclasm. Encyclopedia of the Qur'an, Brill Online.