[go: nahoru, domu]

Ang Wuxi (Tsino: 无锡) ay isang lungsod sa katimugang Jiangsu, silangang Tsina, 135 kilometro (84 milya) hilagang-kanluran ng kabayanan ng Shanghai kapag nasa kotse, sa pagitan ng Changzhou at Suzhou.[1] Noong 2017 mayroon itong populasyon na 3,542,319, habang ang mismong administratibong lungsod (ang antas-prepektura na lungsod) ay may 6,553,000 katao.

Wuxi

无锡市

Wusih, Wu Hsi
Paikot sa kanan mula taas: Yuantouzhu; Wuxi Clock Tower; IFS Wuxi; financial district; SanYang; City Hall; NanChangJie;Taihu lake
Bansag: 
Ang Wuxi ay punô ng sigla at tubig (Wuxi is full of warmth and water)
Map
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Eastern China" nor "Template:Location map Eastern China" exists.
Mga koordinado: 31°34′N 120°18′E / 31.567°N 120.300°E / 31.567; 120.300
Datos
BansaRepublikang Bayan ng Tsina
ProvinceJiangsu
Mga dibisyong antas-kondado7
Mga dibisyong antas-township73
Pamahalaan
 • Kalihim Munisipal ng CPCLi Xiaomin (李小敏)
 • Gumaganap na alkaldeHuang Qin (黄钦)
Lawak
 • Antas-prepektura na lungsod4,628 km2 (1,787 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2017)
 • Antas-prepektura na lungsod6,553,000
 • Kapal1,400/km2 (3,700/milya kuwadrado)
 • Urban
3,542,319
 • Metro
3,542,319
Sona ng orasUTC+8 (Pamantayang Tsina)
Kodigong postal
Sentring urbano: 214000
Ibang mga lugar: 214200, 214400
Kodigo ng lugar510
Kodigo ng ISO 3166CN-JS-02
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan苏B
GDP (2018)CNY 1.144 trilyon ($172.9 bilyon)
 - sa bawat taoCNY 174,556 ($26,380)
HDI0.909 - very high
Pampook na diyalektoWu: wikaing Wuxi
Websaytwuxi.gov.cn

Isang litáw na lungsod pangkasaysayan at pangkalinangan sa Tsina ang Wuxi, na mula pa noong sinaunang panahon ay isa nang lumálagông sentrong ekonomiko bilang pusod ng produksiyon at pagluluwas ng bigas, sutla at tela. Sa loob ng mga huling dekada lumitaw ito bilang isang pangunahing tagagawa ng de-kuryenteng mga motor, sopwer, teknolohiyang solar at mga parte ng bisikleta. Matatagpuan ang lungsod sa katimugang delta ng Ilog Yangtze at sa Lawa ng Tai, na may 48 maliliit na mga isla at sikat sa mga turista. Kabilang sa kilalang mga palatandaang pook ay Liwasang Lihu, ang Mt. Lingshan Grand Buddha Scenic Area at ang estatwa nitong 88 metro (289 talampakan) ang taas, Liwasang Xihui, Wuxi Zoo and Taihu Lake Amusement Park at ang Museo ng Wuxi.

Pinaglilingkuran ang lungsod ng Paliparang Pandaigdig ng Sunan Shuofang na binuksan noong 2004, ang Wuxi Metro na binuksan noong 2014, at ang Shanghai–Nanjing Intercity High-Speed Railway na nag-uugnay nito sa Shanghai. Ang Unibersidad ng Jiangnan, isang mahalagang pambansang pamantasan nf “Proyektong 211” at sentro ng siyentipikong pananaliksik, ay unang itinatag noong 1902 ngunit muling binuo noong 2001 kalakip ng pagsasanib ng dalawang ibang mga kolehiyo.

Etimolohiya

baguhin
Wuxi
 
"Wuxi" sa Pinapayak (taas) at Tradisyonal (baba) mga Tsinong panitik
Pinapayak na Tsino无锡
Tradisyunal na Tsino無錫
Hanyu PinyinPamantayang Mandarin ng PRC:
Wúxī
Pamantayang Mandarin ng ROC:
Wúxí

Ang Wuxi ay literal na nagngangahulugang "walang tinggaputi". Ang pangalang "may tinggaputi" (有錫) ay ginamit noong panandaliang dinastiyang Xin. Sa kabila ng naiibang mga kuwento sa pinagmulan ng "Wuxi," sumasang-ayon ang maraming mga dalubhasang Tsino sa pananaw na hango ang salita sa "lumang wikang Yue" o, di-umano, sa lumang mga wikang Kra–Dai.[2][3][4]

Mga paghahating pampangasiwaan

baguhin

Namamahala ang antas-prepektura na lungsod ng Wuxi sa pitong mga dibisyong antas-kondado, na kinabibilangan ng limang mga distrito at 2 antas-kondado na mga lungsod. Ang impormasyong inilalahad dito ay gumagamit ng sistemang metriko at datos mula sa senso 2010.

Ang mga dibisyong antas-kondado na ito ay nahahati pa sa 73 mga dibisyong antas-township na kinabibilangan ng 59 mga bayan at 24 mga subdistrito.

Mapa
Subdibisyon Wikang Tsino Hanyu Pinyin Populasyon (2010) Lawak (km2) Kapal ng populasyon (/km2)
City Proper
Distrito ng Liangxi 梁溪区 Liángxī Qū 944,188 71.50 13,205.43
Sa naik
Distrito ng Xishan 锡山区 Xīshān Qū 681,300 399.11 1,707.05
Distrito ng Huishan 惠山区 Huìshān Qū 691,059 325.12 2,125.55
Distrito ng Binhu 滨湖区 Bīnhú Qū 688,965 628.15 1,096.82
Distrito ng Xinwu 新吴区 Xīnwú Qū 536,807 220.01 2,439.92
Mga karatig lungsod (antas-kondado na lungsod)
Lungsod ng Jiangyin 江阴市 Jiāngyīn Shì 1,594,829 986.97 1,615.88
Lungsod ng Yixing 宜兴市 Yíxīng Shì 1,235,476 1,996.61 618.79
Kabuoan 6,372,624 4,627.46 1,377.13
Mga dating dibisyon: Distrito ng Chong'an, Distrito ng Nanchang, at Distrito ng Beitang

Mga sanggunian

baguhin
  1. Google (2 Setyembre 2019). "Wuxi" (Mapa). Google Maps. Google. Nakuha noong 2 Setyembre 2019. {{cite map}}: |author= has generic name (tulong); Unknown parameter |mapurl= ignored (|map-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Zhou, You, Zhenhe, Rujia (1986). 方言与中国文化. Shanghai People's Publishing House. pp. 153–4. ISBN 9787208009653.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. 中国历史大辞典·历史地理卷 [The Great Encyclopaedia of Chinese History, Volume on Historical Geography] (sa wikang Tsino). Shanghai Cishu Press. 1996. p. 105. ISBN 7-5326-0299-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Zhengzhang, Shangfang (2012). 古吴越地名中的侗台语成分, 古越语地名人名解义. 郑张尚芳语言学论文集 [Zhengzhang Shangfang's Symposium on Linguistics]. Zhonghua Book Company. ISBN 9787101061055.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin