[go: nahoru, domu]

Ang Xiamen (厦门) maaaring tawagan sa pagbigkas na Hokkien bilang Amoy [e˨˩ bŋ̍˨˨ ʨʰi˨˨], ay isang sub-probinsiyal na lungsod sa timog-silangang bahagi ng lalawigan ng Fujian, Republikang Bayan ng Tsina, sa tabi ng Kipot ng Taiwan. Nahahati ito sa anim na mga distrito: Huli, Siming, Jimei, Tong'an, Haicang, at Xiang'an. Magkasamang sumasaklaw ang mga ito sa lawak na 1,699.39 square kilometer (656.14 mi kuw) na may populasyon ng 3,531,347 katao noong 2010. Lumawak ang urbanisadong pook ng lungsod mula sa orihinal na pulo nito upang masama ang mga bahagi ng lahat ng anim na mga distrito, na may kabuuang populasyon na 1,861,289 katao. Ang lugar na ito ay nakaugnay sa Quanzhou sa hilaga at sa Zhangzhou sa kanluran, kaya bumubuo ito sa isang daklungsod na may higit na limang milyong katao. Ang Jinmen o Kapuluang Kinmen na pinamamahalaan ng Republika ng Tsina ay nasa layong hindi hihigit sa 6 kilometro (4 mi) mula rito.

Xiamen

厦门市

Amoy
CBD ng Xiamen
CBD ng Xiamen
Bansag: 
温馨城市·海上花园 (Maginhawang lungsod, harding sa tabi ng karagatan)
Map
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Xiamen City sa Fujian
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Xiamen City sa Fujian
Xiamen is located in China
Xiamen
Xiamen
Kinaroroonan sa Tsina
Mga koordinado: 24°28′47.41″N 118°05′21.91″E / 24.4798361°N 118.0894194°E / 24.4798361; 118.0894194
Bansa Tsina
LalawiganFujian
Antas-kondado na
mga paghahati
6 distrito
Pamahalaan
 • Kalihim ng CPCHu Changsheng
 • AlkaldeZhuang Jiahan
Lawak
 • Antas-prepektura & Sub-probinsiyal na lungsod1,699.39 km2 (656.14 milya kuwadrado)
 • Urban
281.6 km2 (108.7 milya kuwadrado)
 • Metro
3,217.98 km2 (1,242.47 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2010)
 • Antas-prepektura & Sub-probinsiyal na lungsod3,531,347[1]
 • Urban
1,861,289[2]
 • Metro
5,114,758
 • Pangunahing mga kabansaan
Han: 96%
Manchu: 2%
Hui: 2%
Mongol: 0.3%
Sona ng orasUTC+8 (China Standard)
Kodigong postal
361000
Kodigo ng lugar592
Kodigo ng ISO 3166CN-FJ-02
GDP2018
 - KabuuanCNY 479.141 bilyon (US$69.22 bilyon)
 - Sa bawat taoCNY 109,740 (US$16,253)
 - PaglagoIncrease 7.7%
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan闽D
WikaPamantayang Mandarin (kinikilala), Xiamen Min Nan (Bernakularyong pampook)
Websaytwww.xm.gov.cn
Xiamen
"Xiamen" sa Pinapayak (itaas) at Tradisyonal (ibaba) na mga panitik na Tsino
Pinapayak na Tsino厦门
Tradisyunal na Tsino廈門
Hokkien POJĒ-mn̂g or Ē-mûi
PostalAmoy
/əˈmɔɪ/[4]
Kahulugang literal"Tarangkahang Mansiyon"[3]

Ang Pulo ng Xiamen ay may isang likas na daungan sa Look ng Yundang, ngunit ang pandaigdigang kalakalan ng Fujian ay matagal nang pinahintulutan lamang sa Quanzhou o sa Guangzhou sa lalawigan ng Guangdong. Dahil sa pagbabanlik [en] (ang pag-ipon o pagdami ng banlik o silt) sa daungan ng Quanzhou, iginiit ng mga Briton na buksan ang Xiamen bilang isa sa mga pantalan para sa pandaigdigang kalakalan sa isang kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Opyo noong 1842. Sa ilalim ng Qing, kapuwa bago at kasunod ng digmaan, mayroon malakihang pangingibang-bayan ng mga Tsino mula katimugang Fujian na nagpalaganap ng mga pamayanang Hokkien sa Singgapur, Malaysia (lalo na sa Penang), Indonesya (Medan at Lalawigan ng Riau) at sa Pilipinas. Ang mga Tsino sa ibayong-dagat ay patuloy na sumusuporta sa mga institusyong pang-edukasyon at pangkalinangan ng Xiamen. Bilang bahagi ng Opening Up Policy sa ilalim ni Deng Xiaoping, ang Xiamen ay naging isa sa unang apat na mga special economic zones ng Tsina na binuksan para sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan noong unang bahagi ng dekada-1980. Ang dating daungan nito ay sinara gamit ang lupang hinukay noong pagpapalawak ng lungsod. Ngunit nananatiling isang pulo ang lungsod na ini-uugnay ng mga, tulay papunta sa ibang bahagi ng kalupaang Tsina.[5]

Kilala ang lungsod sa katamtamang klima nito, kulturang Hokkien at Pulo ng Gulangyu, gayon din sa mababang polusyon nito. Noong 2006, pumapangalawa ang Xiamen sa Tsina bilang "pinaka-angkop na lungsod para sa pamumuhay." Nangunguna rin ito bilang "pinakaromantikong libangang lungsod" sa Tsina noong 2011.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Communiqué of the National Bureau of Statistics of People's Republic of China on Major Figures of the 2010 Population Census (No. 1)". National Bureau of Statistics of China. 28 Abril 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Nobyembre 2013. Nakuha noong 12 Pebrero 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. senso 2010
  3. Dating "Ibabang Tarangkahan" (下門).
  4. "Amoy". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Oxford University Press. Setyembre 2005.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Hot Terms in China's Reform". CRI English. 31 Oktubre 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Agosto 2018. Nakuha noong 17 Agosto 2018. {{cite news}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)