Magnisyo
Ang magnesyo o magnesyum (Kastila: magnesio, Ingles: magnesium, may sagisag na Mg, atomikong bilang na 12, atomikong timbang na 24.312, punto ng pagkatunaw na 651 °C, punto ng pagkulong 1,107 °C, espesipikong grabidad na 1.74, at V na 2) ay isang elementong metalikong may katangian ng pagiging magaan, parang pilak, at medyo may katigasan lamang. Kapag nasa anyong pulbos o kaya laso o ribon, nagsasanhi ito ng maputi at maliwanag na liwanag kung nasusunog o kapag sumasabog. Nagagamit ito sa paggawa ng mga pailaw (mga pirotekniko o luses, aloy, pasiklab o flash sa Ingles ng kamera, at mga bomba. Natuklasan ito ni Humphry Davy noong 1808.[1]
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.