Tuklasin kung kailan, saan, at paano kami kumukuha ng 360 na koleksyon ng imahe

Kilalanin ang masiglang fleet ng Google para sa Street View at alamin kung paano kami kumukuha ng 360 na koleksyon ng imahe para mabuo ang mapa ng mundo.

Pagkuha ng koleksyon ng larawan sa Google Street View
Animation ng kotse ng pagkuha ng koleksyon ng larawan sa Google Street View

Mga source ng photography

Nagmumula ang mga larawan sa Street View sa dalawang source, ang Google at ang aming mga contributor.

Ang Aming Content
Content mula sa mga contributor

Ang Aming Content

Kinikilala sa mga content na pagmamay-ari ng Google ang “Street View” o “Google Maps.” Awtomatiko naming binu-blur ang mga mukha at plate number sa aming koleksyon ng imahe.

Mga Detalye ng Patakaran

Larawan sa Google Street View mula kay Petra sa Jordan

Content mula sa mga contributor

Ang content na mula sa user ay may kasamang naki-click/nata-tap na pangalan ng account, at sa ilang sitwasyon, larawan sa profile.

Mga detalye ng patakaran

Mag-ambag sa Street View

Larawan sa Google Street View ng pagmamapa ni Federico Debetto sa Zanzibar

Saan kami magmamapa ngayong buwan

Nagmamaneho at nagte-trek kami sa buong mundo para maghatid sa iyo ng koleksyon ng imahe na magpapaganda ng experience mo at makakatulong sa iyong tuklasin ang mundo sa paligid mo. Kung gusto mong kawayan ang aming team, tingnan sa ibaba kung kailan sila pupunta sa isang lokasyong malapit sa iyo.

Petsa Distrito
Petsa Distrito

Dahil sa mga salik na hindi namin kontrolado (panahon, mga pagsasara ng kalsada, atbp), palaging posibleng hindi tumakbo ang aming mga kotse o maaaring magkaroon ng mga kaunting pagbabago. Tandaan din na kapag tinukoy sa listahan ang isang partikular na lungsod, maaaring kasama rito ang mas maliliit na lungsod at bayang nasa distansyang namamaneho.

Isang fleet na nakahandang tuklasin ang mga hiwaga ng mundo

Nakabisita na kami sa mga kahanga-hangang lugar sa lahat ng pitong kontinente at mas marami pang darating. Bago kami bumiyahe, marami kaming isinasaalang-alang na salik kasama na ang terrain, mga kundisyon ng klima, at density ng populasyon para ma-deploy ang tamang fleet at makuha ang pinakamagandang koleksyon ng imahe.

Kotse ng Street View

Ang kotse ng Street View, na may nakakabit na camera system sa bubong, ang pinakagamitin naming equipment para sa pagkuha ng koleksyon ng imahe, at nakatulong ito sa aming mag-capture ng mahigit 10 milyong milya sa buong mundo, kasama na ang isang kabayong kumakain ng saging.
Kotse ng Street View

Trekker

Magagamit ang portable na camera system na ito bilang backpack o nang naka-mount sa itaas ng pickup truck, snowmobile, o motorsiklo. Nagbibigay-daan ito sa aming kumuha ng koleksyon ng imahe sa makikitid na kalsada o sa mga lugar na mapupuntahan lang namin sa pamamagitan ng paglalakad, gaya ng Inca citadel na Machu Picchu.
Trekker

Pagbibigay-buhay sa mga mapa

Pagkatapos naming makuha ang koleksyon ng imahe, oras na para dalhin itong lahat sa screen mo. Narito ang isang pasilip sa ginagawa ng aming team sa backstage.

  • Pangongolekta ng mga larawan

    Una sa lahat, kailangan muna naming magmaneho sa paligid at kunan ng larawan ang mga lokasyong ipapakita sa Street View. Masusi naming tinitingnan ang maraming salik, kasama na ang panahon at ang density ng populasyon ng iba't ibang lugar, para matukoy kung kailan at saan kami maaaring mangolekta ng mga posibleng pinakamagandang koleksyon ng imahe.

  • Pag-align sa koleksyon ng imahe

    Para itugma ang bawat larawan sa heograpikong lokasyon nito sa mapa, pinagsasama-sama namin ang mga signal mula sa mga sensor sa kotse na sumusukat sa GPS, bilis, at direksyon. Nakakatulong ito sa amin na muling buuin ang eksaktong ruta ng kotse, pati na rin i-tilt at i-realign ang mga larawan kung kinakailangan.

  • Gawing mga 360 na larawan ang mga larawan

    Para maiwasan ang mga gap sa mga 360 na larawan, kumukuha ang magkakatabing camera ng bahagyang nag-o-overlap na mga larawan at pagkatapos ay ‘pinagtatahi-tahi’ namin ang mga larawan sa iisang 360 degree na larawan. Pagkatapos, naglalapat kami ng mga espesyal na algorithm para sa pagproseso ng larawan para mabawasan ang mga ‘seam’ at makagawa ng mga maayos na transition.

  • Pagpapakita sa iyo ng tamang larawan

    Sa pamamagitan ng bilis ng pag-reflect sa mga surface ng laser ng kotse, nalalaman namin kung gaano kalayo ang isang gusali o bagay, at tumutulong ito sa amin na makabuo ng 3D model ng mundo. Kapag pumunta ka sa isang lugar sa malayo sa Street View, tinutukoy ng model na ito ang pinakamagandang panorama na ipapakita sa iyo para sa lokasyong iyon.

Mga napuntahan namin

Ipinapakita ng mga asul na lugar sa mapa kung saan available ang Street View. Mag-zoom in para sa higit pang detalye, o mag-browse sa Google Maps.

Matuto pa