Maging alerto sa mga mapang-abusong kagawian at scam

Mag-ingat sa mga pagbisita o pakikipag-ugnayan ng mga taong nagpapakilala bilang mga empleyado ng Google na nagbibigay ng iba't ibang uri ng suporta at anumang uri ng update sa larawan o data. Idiniriin namin na hindi pinapahintulutan ang mga partner na kumpanya na makipag-usap sa ngalan ng Google at dapat ipakilala nila ang kanilang mga sarili bilang mga independent contractor.

Lubos naming inirerekomenda na kapag may direktang nakipag-ugnayan sa iyo sa ngalan ng Google, balewalain ang pakikipag-ugnayang iyon, para sa anumang dahilan gaya ng mga binanggit sa mga sitwasyon sa ibaba:

  • Pag-aalok ng mga serbisyo/pagsasanay sa ngalan ng Google, para sa pagsukat ng mga sukatan, digital media, pag-uulat sa mga digital na trend/bagong digital na platform at bagong trend ng negosyo; payo sa media, atbp.;
  • Pangangako ng mga bagay na hindi tumutugma sa regular na pagpapatakbo ng mga serbisyo ng Google, tulad ng pagtiyak ng kitang-kitang placement sa anumang Paghahanap, Google Street View, o Google Maps;
  • Panggigipit sa kinokontratang party sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na tawag para sa telemarketing o mga pagbabantang aalisin ang content sa mga platform ng Google.

Pinakamahalagang tandaan na hindi kumukuha ang Google ng mga photographer o ahensya, pero nagbibigay lang ito ng listahan ng mga trusted na propesyonal (mga propesyonal na may pagkilala bilang trusted ng Street View) na may kakayahang gamitin ang mga item sa trusted program para sa mga layunin ng marketing. Ang mga propesyonal na ito ay bahagi ng mga hiwalay na entity at isinasagawa ang lahat ng negosasyon nang walang interference o pakikibahagi ng Google. Dapat sundin ng mga propesyonal na ito ang Patakaran sa mga pinagkakatiwalaang photographer ng Street View.

Maging alerto! Hindi puwedeng gawin ng mga trusted na propesyonal ng Street View ang sumusunod:

  • Tukuyin ang kanilang mga sarili bilang mga empleyado ng Google o mag-alok ng mga serbisyo sa ngalan ng Google;
  • Ilagay ang brand ng Google, tulad ng icon ng Street View, badge, at / o logo sa kanilang mga sasakyan;
  • Ilagay ang mga brand ng Google, Google Maps, at Street View, trusted badge, o anupamang trademark ng Google o katulad nito sa domain name;
  • Tiyaking makukuha ang kitang-kitang placement sa Google Street View o Google Maps;
  • Gipitin ang isang advertiser na mag-sign up o patuloy na gamitin ang mga serbisyo ng kanilang ahensya;
  • Mag-alok ng mga kupon ng Google Ads kapalit ng bayad;
  • Iugnay ang ibinigay na serbisyo sa anupamang hindi propesyonal na aktibidad na nagpapahiwatig ng pagiging patas, tulad ng pag-post ng rating o review bilang Local Guide;
  • Gamitin ang trusted badge para mag-alok ng iba't ibang serbisyo para sa layunin ng programa, tulad ng: pag-set up ng kagamitan para sukatin ang mga pagbisita sa tindahan (mga beacon) o anupamang tool para sukatin ang mga sukatan ng performance ng campaign, pagsasanay ng team sa digital media, pag-uulat sa mga digital na trend/bagong digital na platform at bagong trend ng negosyo; payo sa media; mga pilot na proyekto, atbp.

Puwedeng gawin ng mga propesyonal sa trusted program ng Street View ang sumusunod:

  • Maningil ng bayarin para sa mga serbisyong iniaalok nila;
  • Ipakita ang sarili nilang brand o logo sa sasakyan ng kanilang kumpanya;
  • Gamitin ang trusted badge sa kanilang Profile ng Negosyo;
  • Gamitin ang trusted badge at mga tatak sa mga website, presentasyon, damit ng kumpanya, at naka-print na materyales sa pagbebenta.

Puwede mong i-communicate at iulat ang mga isyu sa isang certified na trusted na photographer ng Street View sa pamamagitan ng pagsagot sa form na ito.

Pangunahing alalahanin namin ang kaligtasan ng user. Dahil dito, pinaghihigpitan namin ang paggamit ng mga brand ng Google at ng mga platform nito. Walang entity ang pinapahintulutang:

  • Gamitin ang brand ng Google, tulad ng icon ng Street View, seal, at/o logo sa mga sasakyan ng kumpanya;
  • Gamitin ang mga brand ng Google, Google Maps, at Street View, ang pagkilala bilang trusted na propesyonal, o iba pang trademark ng Google o katulad nito sa domain name;
  • Gamitin ang mga brand ng Google, Google Maps, at Street View, o iba pang trademark ng Google o katulad nito sa mga damit (mga uniporme, atbp.);
  • Gamitin ang mga brand ng Google, Google Maps, at Street View, o anupamang trademark ng Google o katulad nito, sa kanilang Profile ng Negosyo sa Google;
  • Gamitin ang anumang trademark ng Google, o ang trusted badge, sa paraang nagmumungkahing ineendorso ng Google ang isang partikular na produkto o serbisyo.