[go: nahoru, domu]

Pumunta sa nilalaman

Aklat ni Esdras

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Aklat ni Esdras[1] ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Dating kabahagi, bilang Unang Aklat ni Esdras, lamang ito ng Mga Aklat ni Esdras, subalit inihiwalay sa Bibliyang Vulgata. Karugtong ito ng Mga Aklat ng mga Paralipomeno o mga Cronica. Si Esdras ang sumulat nito, maging ng kasunod at isa pang aklat ni Esdras na pinamagatang Aklat ni Nehemias (o "aklat tungkol kay Nehemias").[1]

Nilalahad ng unang aklat na ito na isinulat ni Esdras ang naganap sa mga Hudyo noong mabuwag ang kaharian ng Babilonia at nakapagsibalik na sa Herusalem ang mga naging bihag sa Babilonia, ayon sa utos ni Ciro noong taong 538 BK. May dalawang pangkat na bumalik sa Herusalem: ang mga kasama ng pinunong si Zorobabel noong taong 538 BK, at ang mga pinamunuan mismo ni Esdras noong 458 BK. Sa kanilang pagbabalik, itinayong muli ang isang templo ng bayan.[1]

Binubuo ng dalawang bahagi ang unang Aklat ni Esdras:[1]

  • Pagbabalik ng Unang mga Bihag (1-6)
  • Mga Panibagong Kaayusang Ginawa ni Esdras (7-10)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Esdras at Nehemias". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.