[go: nahoru, domu]

Pumunta sa nilalaman

Kalusugang pampubliko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kalusugang pampubliko ay ang agham at sining ng pag-iwas at pagpigil sa mga karamdaman, pagpapahaba ng buhay, at pagtataguyod ng kalusugan sa pamamagitan ng itinatag na mga pagsusumikap at mga gawain at maalam na mga pagpili ng lipunan, mga samahan, publiko man o pribado, mga pamayanan at mga indibiduwal (1920, C.E.A. Winslow).[1] Tinatawag din itong kalusugang pangmadla, kalusugang pambalana, kalusugang pangmasa, o kalusugang pambayan. Nagbibigay-pansin ang kalusugang pampubliko sa mga banta sa pangkalahatang kalusugan ng isang pamayanan batay sa pagsusuri ng kalusugan ng populasyon. Ang tinutukoy na populasyon ay maaaring kasingliit ng isang mabibilang na dami ng mga tao o kasinglaki ng lahat ng mga naninirahan sa ilang mga kontinente (halimbawa na kaso ng pandemiko). Kalimitang nahahati ang kalusugang pampubliko sa epidemiyolohiya, biyoestadistika, at palingkurang pangkalusugan (serbisyong pangkalusugan). Mahahalagang kabahaging mga larangan din nito ang kalusugang pangkapaligiran, panlipunan, pang-ugali, at panghanapbuhay.

Mga sanggunian

  1. C.-E. A. Winslow, “The Untilled Fields of Public Health,” Science, n.s. 51 (1920), p. 23.