Ang Kanyang Kabutihan (Pamagat)
Itsura
Ang Kanyang Kabutihan (Ingles: His Grace o Her Grace) ay isang pamagát na ginagamit para sa iba't ibang mataas na ranggo ng mga maharlika. Sa kasalukuyang panahon, ito ay ginagamit kapag ito'y tumutukoy sa mga duke at dukesa na hindi nagmula sa mga angkan ng hari at reyna.
Halimbawa, "Ang Kaniyang Kabutihan Ang Duke ng Devonshire"; "Ang Kaniyang Kabutihan, Ang Arsobispo ng Canterbury"; o "Ang Iyong Kabutihan", kapag ito'y sinasabi o sinusulat.
Samantalang ang mga Dukeng nagmula sa angkan ng hari at reyna, ang pamagat na ginagamit ay Ang Kanyang Kataasan, halimbawa, "Ang Kaniyang Kataasan Ang Duke ng York".