[go: nahoru, domu]

Pumunta sa nilalaman

Anna Sueangam-iam

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Anna Sueangam-iam
แอนนา เสืองามเอี่ยม
Si Anna Sueangam-iam noong Setyembre 2022
Kapanganakan (1998-11-10) 10 Nobyembre 1998 (edad 25)
Bangkok, Thailand
Ibang pangalanAnn
NagtaposKasetsart University (BS)
Trabaho
  • Aktres
  • beauty pageant titleholder
Tangkad1.75 m (5 ft 9 in)
TituloMiss Universe Thailand 2022
Beauty pageant titleholder
Hair colorDark Brown
Eye colorBrown
Major
competition(s)
Miss Thailand 2020
(Top 16)
Miss Universe Thailand 2022
(Nagwagi)
Miss Universe 2022
(Walang pagkakalagay)
(Social Impact Award)

Si Anna Sueangam-iam ( Thai: แอนนา เสืองามเอี่ยม , RTGS : Aenna Suea-ngam-iam, binibigkas [ʔɛ̄(ː)n.nāː sɯ̌a̯.ŋāːm.ʔìa̯m] ; ipinanganak noong 10 Nobyembre 1998) ay isang Taylandesang aktres at titulado sa patimpalak ng kagandahan na kinoronahan bilang Miss Universe Thailand 2022.[1] Si Sueangam-iam ang kumatawan sa bansang Taylandiya sa Miss Universe 2022, kung saan wala itong pagkakalagay.[2]

Buhay at pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Sueangam-iam noong 10 Nobyembre 1998 sa Bangkok, Taylandiya. Noong siya'y bata pa, nagtatrabaho ang kaniyang mga magulang bilang mga basurero para sa Bangkok Metropolitan Administration sa Bangkok.[3][4] Dahil sa paghihirap ng kaniyang mga magulang, nanatili siya sa kanyang lola sa tuhod na isang madreng budista hanggang sa makatapos siya ng kolehiyo.[5] Nagtapos si Sueangam-iam na may first-class honor (gintong medalya) mula sa Faculty of Liberal Arts and Science sa Pamantasang Kasetsart.[6][7][8] Si Sueangam-iam ay sangkapat na Aleman.

Mga paligsahan ng kagandahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Miss Thailand 2020

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dati nang lumahok si Sueangam-iam sa Miss Thailand 2020 pageant sa Chiang Mai International Convention and Exhibition Center sa Chiang Mai kung saan siya ay nakapasok sa Top 16.[9][10]

Miss Universe Thailand 2022

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos lumahok sa Miss Thailand 2020, kasunod na lumahok si Sueangam-iam sa Miss Universe Thailand 2022 na ginanap noong 30 Hulyo 2022 sa True Icon Hall sa Bangkok. Iginawad kay Sueangam-iam ang mga parangal na Miss Metaverse By Bitkub, Miss Photogenic, at Miss Smart Life By True 5 G. Mula sa dalawampu't-siyam na kalahok, napabilang siya sa labinlimang mga semi-finalist sumabak sa swimsuit competition at sa labing-isang mga semi-finalist sumabak sa evening gown competition.

Pagkatapos ng evening gown competition, napabilang si Sandhu bilang isa sa limang pinalista na kakalahok sa question and answer round. Itinanong sa kanya: "If you were to choose to donate by putting money in a donation box and you could only choose one box, which would you choose: Health, Education or the Environment and why?", kung saan ipinarating niya sa Taylandes na isinalin sa Ingles:[11]

"Anna would like to say that you are not the only one who has been discouraged. Anna is one of them. But Anna would like everyone to learn that we can learn to adapt. We fall down, we can rise up. So no matter what situation you are facing, believe in yourself. Anna can do it. Everyone can do it."

Pagkatapos ng komeptisyon, kinoronahan ni Miss Universe Thailand 2021 Anchilee Scott-Kemmis si Sueangam-iam bilang Miss Universe Thailand 2022.[12][13]

Miss Universe 2022

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang Miss Universe Thailand 2022, si Sueangam-iam ang kumatawan sa Taylandiya sa Miss Universe 2022. Nabigo itong magkaroon ng pagkakalagay.[14] Bagama't nabigong makapasok bilang isa sa labing-anim na semi-finalist, pinarangalan si Sueangam-iam ng Social Impact Award.[14]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "ไม่ยอมโชคชะตา! เปิดประวัติ แอนนา เสืองามเอี่ยม Miss Universe Thailand 2022". Bright Today (sa wikang Thai). 30 Hulyo 2022. Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Thai Actress Anna Sueangam-iam Wins Miss Universe Thailand 2022". The Beat Asia. 1 Agosto 2022. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 18 Enero 2023. Nakuha noong 3 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "From garbage dump to throne: Meet Anna, Thailand's most beautiful woman". The Nation (sa wikang Ingles). 31 Hulyo 2022. Nakuha noong 3 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The rags to riches story of the latest Miss Universe Thailand". Thai PBS World (sa wikang Ingles). 31 Hulyo 2022. Nakuha noong 3 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Weerachokesathit, Tamonwan (30 Hulyo 2022). "แอนนา เสืองามเอี่ยม คว้าตำแหน่ง Miss Universe Thailand 2022". Hello! (sa wikang Thai). Nakuha noong 31 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Miss Universe Thailand 2022 lộ diện, netizen lo cho Ngọc Châu". 2Sao.vn (sa wikang Biyetnames). 31 Hulyo 2022. Nakuha noong 3 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. General, Ryan (1 Agosto 2022). "Woman dubbed 'Miss Garbage' wins Miss Universe Thailand 2022". Yahoo! News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Gabinete, Jojo (2 Agosto 2022). "Before and after photos ng nanalong Miss Universe Thailand 2022, nakamamangha". PEP.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong 3 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "เส้นทางนางงามของ "แอนนา" เธอเคยได้รับตำแหน่ง Miss Mobile Thailand 2018 เคยเข้าประกวดนางสาวไทยปี 2563 และเป็นเจ้าของตำแหน่งรองอันดับ 2 เวทีนางสาวถิ่นไทยงามปี 2563" [The path of "Anna Suea-ngam-iam" who never gave up on her dreams, from "Garbage Queen" to "The Universe" Miss Universe]. PPTV HD 36 (sa wikang Thai). 30 Hulyo 2022. Nakuha noong 5 Agosto 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Wiseskamin, Kankawin (30 Hulyo 2022). "เปิดโปรไฟล์ 'แอนนา เสืองามเอี่ยม' เจ้าของมงกุฎ Miss Universe Thailand 2022" [Open the profile of 'Anna Suengam-iam', the owner of the Miss Universe Thailand 2022 crown.]. Vogue Thailand (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Agosto 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. ""แอนนา เสืองามเอี่ยม" ลูกสาวคนกวาดขยะ คว้า Miss Universe Thailand 2022... อ่านข่าวต้นฉบับได้ที่" ["Anna Suengam-iam", the daughter of a garbage collector, won Miss Universe Thailand 2022.]. Prachachat (sa wikang Thai). 30 Hulyo 2022. Nakuha noong 5 Agosto 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Miss Universe Thailand 2022 is crowned with the Power of Resilience Crown". Mouawad (sa wikang Ingles). 30 Hulyo 2022. Nakuha noong 10 Agosto 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  13. "Anna Sueangam-iam crowned Miss Universe Thailand 2022 staged in Bangkok over the weekend". The Pattaya News. 1 Agosto 2022. Nakuha noong 10 Agosto 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 "Thai beauty Anna has 'no regrets' about joining Miss Universe pageant". The Nation Thailand (sa wikang Ingles). 16 Enero 2023. Nakuha noong 10 Agosto 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga Parangal at Natanggap
Sinundan:
Anchilee Scott-Kemmis
Miss Universe Thailand
2022
Susunod:
Anntonia Porsild