Bael
Bael | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Subpamilya: | |
Tribo: | |
Sari: | Aegle Corrêa
|
Espesye: | A. marmelos
|
Pangalang binomial | |
Aegle marmelos (L.) Corr.Serr.
|
Ang Bael (Aegle marmelos) বাংলাঃ বেল ay isang namumungang punong katutubo sa tuyong mga kagubatang nasa ibabaw ng mga burol at kapatagan ng gitna at katimugang Indiya, katimugang Nepal, Sri Lanka, Myanmar, Pakistan, Bangladesh, Biyetnam, Laos, Cambodia at Thailand. Itinatanim at inaalagaan ito sa kabuoan ng Indiya, maging sa Sri Lanka, hilagang Tangway ng Malay, Java at sa Pilipinas. Kilala rin ito sa mga katawagang bungang Bael (Bael fruit[1]), Bilva, Bilwa, Bel, Kuvalam, Koovalam, Madtoum, o bungang Beli (Beli fruit), Bengal quince, batong mansanas (stone apple), at mansanas na kahoy (wood apple). Ito lamang ang uri ng punong kabilang sa saring Aegle.
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tumataas ang puno ng Bael magpahanggang 18 mga metro at nagbubunga ng mga tinik at mababangong mga bulaklak. Mayroon itong bungang may makahoy na balat at umaabot sa 5 hanggang 15 sentimetro ang diyametro. May ilang mga uri ng bunga na napakatigas ng balat kaya't dapat na pukpukin ng martilyo upang mabuksan. Marami itong mga butong natatakipan ng makakapal na mga mahihiblang mga buhok na nakabaon sa makapal, madikit, at mabangong pulpo o laman ng bunga. Mayroon itong matindi o "astrinhente" ngunit kaaya-ayang lasa.[1]
Bilang gamot
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Indiya, ginagamit ang laman ng prutas ng Bael sa paggamot sa pagtataeng lusaw (diyareya), disenterya (pagtataeng may dugo), at pagtataeng may pamumutla o may anemya(sprue). Tinutuyo ang bunga nito at napaghahanguan ng likidong katas. Kinikilala ang pakinabang ng bunga ng Bael sa Britanya, subalit hindi sa Estados Unidos. Hindi tiyak ang reputasyon nito sa pagbibigay ng lunas.[1]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Robinson, Victor, pat. (1939). "Bael fruit". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 72.