[go: nahoru, domu]

Pumunta sa nilalaman

Lagikway

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Lagikway
Bulaklak ng lagikway
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Malvales
Pamilya: Malvaceae
Sari: Abelmoschus
Espesye:
A. manihot
Pangalang binomial
Abelmoschus manihot

Ang lagikway[1] o Abelmoschus manihot[2] (Linnaeus) ay isang gulay na di gaanong alam sa Pilipinas. Isa itong halaman na ang talbos ang iniluluto katulad ng sa kamoteng baging. Isang mapapansing epekto nito sa tao ang pagpapalawig ng buhay sa mga matatanda, kapag malimit isinasama sa pang araw araw na lutuin. Madulas tulad ng saluyot subalit neyutral ang lasa kaya angkop sa maraming lutuin maging sa isda man o sa karne o ginataan.Dahil sa nyutral nyang lasa maari siyang gamitin sa halos lahat ng lutuin lalu na sa mga sinabawan at masasabing isa sa pinakamahalagang sangkap sa mga lutung pagkain sa Asya! Naitatanim sa pamamagitan ng tangkay o sanga nito at nabubuhay ng mainam sa maitim at buhaghag na lupain ng kaitaasan. Marami nito sa Kabikulan, Samar, Leyte, Mindanaw, Quezon at ilang liblib na bayan sa Pilipinas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lagikway[patay na link], DOST.gov.ph
  2. "Abelmoschus manihot". Integrated Taxonomic Information System. Hulyo 20, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.