[go: nahoru, domu]

Pumunta sa nilalaman

Torre dei Conti

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang natitirang mas mababang bahagi ng Torre dei Conti

Ang Torre dei Conti ay isang medyebal na kutang tore sa Roma, Italya, na matatagpuan malapit sa Koliseo at Foro ng Roma. Ang tore ay isa sa mga pinaka-kahangahangang toreng nangingibabaw sa medyebal na Roma.

Itinayo noong 1238 ni Richard Conti, kapatid ni Papa Inocencio III bilang isang pinatibay na tirahan para sa kaniyang pamilya, ang Conti di Segni, sa isa sa exedra ng portico ng apat na abside ng Imperyal na foro (Ang Templo ng Kapayapaan) malapit sa ang Foro ni Nerva. Ang tore ay matatagpuan sa hangganan ng teritoryo ng karibal na pamilya ng Frangipani. Kasalukuyang nakatayo sa 29 metro (95 tal), ito ay dating 50-60 m, at nakakuha ng palayaw na Torre Maggiore (Dakilang Tore) dahil sa laki nito. Orihinal na natatakpan ng travertinang mula sa mga lugar ng pagkasira ng mga Imperyal na Foro, ang pabalat na ito ay tinanggal din para magamit sa pagtatayo ng Porta Pia noong ika-16 na siglo, na idinisenyo ni Michelangelo.

Mga pinagkuhanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Cusanno, Anna Maria (1995). Il restauro e l'isolamento della Torre dei Conti in Gli anni del Governatorato (1926-1944) . Roma: Edizioni Kappa. pp. 125–130. ISBN Cusanno, Anna Maria (1995). Cusanno, Anna Maria (1995).