[go: nahoru, domu]

Mabuhay!

Magandang araw, Senior Forte, at maligayang pagdating sa Wikipedia! Salamat sa iyong mga ambag. Sana ay magustuhan mo at manatili ka sa websayt na ito. Ito ay isang talaan ng mga pahina na sa tingin ko ay makatutulong sa iyo:

Sana ay malibang ka sa pagbabago ng mga artikulo at pagiging isang Wikipedista! Maaari ninyo pong ilagda ang inyong pangalan sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na tildes (~~~~); ito ay automatikong maglalagay ng pangalan at petsa. Kung kailangan mo ng tulong, maaari kang pumunta sa Wikipedia:Konsultasyon, tanungin mo ako sa aking pahinang pang-usapan, o ilagay ang {{saklolo}} sa iyong pahinang pang-usapan at isang Wikipedista ang madaling lalabas upang sagutin ang iyong mga tanong. Huwag rin ninyo pong makalimutang lumagda sa ating talaang pampanauhin (guestbook). Muli, mabuhay!




JWilz12345 (Kausapin|Mga kontrib.) 01:52, 1 Disyembre 2021 (UTC)Reply

Estados Unidos

baguhin

@Jojit fb: Magandang gabi! Maaaring pakigawa ng Estados Unidos bilang isang napiling artikulo. Angkop ang nilalaman nito kaya't maaari siyang itampok. Senior Forte (kausapin) 11:10, 25 Agosto 2022 (UTC)Reply

Hi Senior Forte, pakigawa na lamang ng nominasyon dito Wikipedia:Mga nominasyon para sa napiling nilalaman. Mukhang pamilyar ka naman sa proseso dahil nakapagnomina ka ng artikulo. Kapag nakagawa ka na, hintayin na lamang natin na may magrepaso (o magre-review). Kung walang marerepaso sa matagal na panahon, subukan kong irepaso pati na rin 'yung isang nominasyon mo. Salamat. --Jojit (usapan) 00:52, 26 Agosto 2022 (UTC)Reply

Pagiging Tagapangasiwa sa Wikipedia

baguhin

Magandang gabi, @Jojit fb! Nagsusulat ako ngayon upang mag-aplika bilang isang tagapangasiwa ng Wikipediang Tagalog. Marami na akong naisulat at nilinis na pahina sa panahon ko rito. Mas makakatulong ako sa pagpayabong ng Wikipedia kung maging tagapangasiwa ako rito. Maraming salamat. --Senior Forte (kausapin) 03:24, 26 Disyembre 2023 (UTC)Reply

Basahin mo ang mga ito: Wikipedia:Tagapangasiwa at Wikipedia:Nominasyon para sa Tagapangasiwa ng Wikipediang Tagalog. --Jojit (usapan) 05:52, 26 Disyembre 2023 (UTC)Reply

Dahan-dahan sa paglikha ng mga artikulo kailangan pang linisin

baguhin

Paki-dahan-dahan ang paglikha ng mga artikulo na kailangang linisin pa. Hindi na siya sustainable at dumadami na ang mga artikulong lilinisin. Kung hindi mo kayang linisin ng ikaw mismo, pakiusap, huwag na lamang lumikha pa ng artikulong lilinisin pa. Mag-concentrate o ituon mo na lamang na maging may quality o may kalidad ang artikulo mo. Muli, uulitin ko, kakaunti lamang ang mga patnugot o editor dito sa Wikipediang Tagalog, at maliit ang tiyansang malinis ang mga artikulong nilikha mo. Sana maunawaan mo ang sinabi ko. Salamat sa pang-unawa. --Jojit (usapan) 08:06, 20 Enero 2024 (UTC)Reply

Maaari mo ba ako bigyan ng listahan ng mga artikulong kailangan ng paglilinis? Upang matutukan ko ang mga ito. --Senior Forte (kausapin) 01:10, 21 Enero 2024 (UTC)Reply
Tingnan mo na lamang iyong mga kontribusyon mo. Karamihan sa kamakailan mong ambag ay kailangang linisin. Mapapansin mo naman na nilagyan ko siya ng hatnote sa itaas na kailangan siyang linisin. Partikular, kailangan mo ayusin ang pagkakasulat, balarila at isalin ang mga banyagang salita. Salamat. --Jojit (usapan) 00:46, 1 Pebrero 2024 (UTC)Reply
@Senior Forte, Jojit fb: Would you kindly check your articles before publishing, or fix them up after publishing? They are full of broken links, broken templates, broken pictures, lack categories. You were already warned before by Jojit. --Glennznl (kausapin) 20:39, 26 Pebrero 2024 (UTC)Reply

Redirekta

baguhin

Magandang gabi, @Jojit fb! Paano ba makita kung ilang pahina ang nakaredirekta sa isang artikulo? --Senior Forte (kausapin) 11:18, 3 Marso 2024 (UTC)Reply

Pindutin mo lamang ang "Mga nakaturo dito". Pagkatapos, i-tsek pareho ang "itago proseso ng pagkuha ng larawan" at "itago ugnay". Dapat walang tsek ang "itago pagkarga". Pindutin ang "Go". Tapos, makikita mo na doon kung ilan ang redirect sa pahinang iyon. Sana'y nakatulong ako. Salamat. --Jojit (usapan) 10:45, 4 Marso 2024 (UTC)Reply
Maraming salamat. Maaari ba ang mga karaniwang editor sa Wikipedia na magbura ng mga pahinang nagreredirekta lamang? Marami kasi ng pahinang nagreredirekta sa iba't ibang artikulo kahit hindi naman sila nakaugnay sa artikulong sinabi. Marami rin ang pahinang mali-mali ang pagsasalin. --Senior Forte (kausapin) 10:59, 4 Marso 2024 (UTC)Reply
Hindi nakapagbubura ang isang tagagamit na hindi tagapangasiwa kahit na redirect ito subalit maari naman lagyan ng {{delete}} ang pahina para mapansin ng isang tagapangasiwa at mabura nila kung kinakailangan. --Jojit (usapan) 15:13, 4 Marso 2024 (UTC)Reply

Senior Forte, paalala lamang sa pag-tag mo ng mga buburahing redirect. Inabiso kasi ako ni AsianStuff03 sa pahina ng aking usapan tungkol sa pag-tag mo ng buburahin na redirect. Isipin mo munang mabuti kung talagang buburahin iyon. Okay lang naman ang redirect para sa karaniwang pagkakamali sa baybay, katawagang Ingles, hinango mula sa Kastila atbp. na katulad nito. Kaya, 'yung iba mong tag ay hindi ko binura dahil dito subalit binura ko naman 'yung mga nararapat na burahin. At sa tingin ko hindi priyoridad ang pagbubura ng mga redirect at mas maganda kung uunahin muna nating linisin ang mga artikulong lilinisin dahil nakikita agad ito ng madla kaysa sa redirect. Muli, sana maunawaan mo ang punto ko. Salamat. --Jojit (usapan) 16:01, 5 Marso 2024 (UTC)Reply

Kataas-taasang Konseho ng Ukranya

baguhin

Magandag araw po, Senior Forte, inundo ko po ang edit nyo kung saan po inalis niyo ang "multiple issues" template. Noong tiningnan ko po ang pahina, mukha pong marami pang aayusin sa pahinang "Kataas-taasang Konseho ng Ukranya". Ilan dito ang mga hindi gaanong maayos na pagkakalink gayundin sa ilang hindi maayos na pagkakasalin. Inayos ko lang po ang pagkakasangguni ng inyong artikulo. Maraming salamat po :). AsianStuff03 (kausapin) 06:19, 4 Marso 2024 (UTC)Reply

@Senior Forte Maraming salamat po at naintindihan nyo po ako. Sorry po na-undo ko po edit nyo. KEEP ON EDITING PO, AND HAVE A NICE DAY :)

AsianStuff03 (kausapin) 06:57, 4 Marso 2024 (UTC)Reply

Huling paalala sa paglikha ng mga artikulo kailangan pang linisin

baguhin

Inulat ka sa akin ni @Glennznl: na patuloy ka pa rin na nagdaragdag ng mga artikulong kailangan linisin pa sa kabila ng mga dalawang beses na paalala na binigay sa iyo. Minumungkahi niya na harangin ka sa pagpapatnugot sa Wikipediang Tagalog dahil dito. Sa akin pagsuri sa iyong mga kamakailang mga binago, tunay nga na gumagawa ka pa rin ng mga artikulong kailangan pang linisin. Nais kong paalala na gumagawa o pumapatnugot tayo ng mga artikulo sa Wikipedia para mapabuti ang proyektong ito tungo sa ensiklopedyang well-written (maganda ang pagkakasulat) na mababasa ng madla. Kung patuloy kang gagawa ng mga artikulong hindi maganda ang pagkakasulat, lumalayo ka na sa layunin ng proyekto na ito. Ang ginagawa mo ay isang disruptive editing (o pagpapatnugot na nakakasira) at isa itong dahilan sa pagharang sa pagpapatnugot sa Wikipedia. Sa kabila niyan, bibigyan pa kita ng isang pagkakataon. Kaya, gamitin mo ang pagkakataon na ito na linisin mo muna ang mga artikulong nilikha mo, at huwag nang lumikha pa ng mga artikulong kailangang linisin pa. Kapag patuloy ka pa rin na gagawa ng mga artikulong lilinisin pa pagkatapos ng paalalang ito, ipapatupad na ang pagharang sa iyo. --Jojit (usapan) 02:02, 17 Marso 2024 (UTC)Reply

Hi Senior Forte, nakaharang ka na sa paglikha ng artikulo dahil patuloy pa rin ang paggawa mo ng mga artikulong lilinisin pa sa kabila ng paalala sa iyo. Makakapag-edit ka pa rin naman ng mga pahina subalit hindi ka makakapaglikha. Nawa'y linisin mo muna ang mga artikulong nilikha mo. Salamat. --Jojit (usapan) 00:01, 16 Abril 2024 (UTC)Reply