Muhammad
Si Muhammad (Wikang Arabe:محمد) na tinatawag din bilang Mahoma,[2] Mohammed, Muhammed, Mahomet, at iba pa (ipinanganak noong 570 AD sa Mecca at namatay noong 8 Hunyo 632 AD sa Medina) at may buong pangalan na Muhammad Ibn `Abd Allāh Ibn `Abd al-Muttalib (Wikang Arabe:محمد بن عبدالله بن عبد المطلب) ang nagtatag ng Islam at tinuturing ng mga Muslim bilang isang sugo (messenger) at propeta ng Diyos (Arabe: الله Allah) at ang huling tagapagdala ng batas sa magkakasunod na mga propetang Islamiko. Dahil dito, si Muhammad ay itinuturing ng mga Muslim na tagapagpanumbalik ng hindi nalikong (uncorrupted) orihinal na monteistikong pananampalataya (islām) ni Adan, Noe, Abraham, Moises, Hesus at iba pang mga propeta.[3] [4]
Propeta Muhammad[1] Propeta, Mensahero, Tagapagbalita, Alagad, Maydala ng Mabuting Balita, Tagapagbabala, Tagapagpaalala, Tagatawag, Tagapagpahayag. | |
---|---|
Kapanganakan | Muḥammad ibn `Abd Allāh c. 26 Abril 570 |
Kamatayan | 8 Hunyo 632 | (edad 62)
Dahilan | Sakit (mataas na lagnat) |
Libingan | Tomb under the Green Dome of Al-Masjid al-Nabawi in Medina, Hejaz, Saudi Arabia |
Ibang pangalan | See Names of Muhammad |
Asawa | Mga asawa: Khadijah bint Khuwaylid (595–619) Sawda bint Zamʿa (619–632) Aisha bint Abi Bakr (619–632) Hafsa bint Umar (624–632) Zaynab bint Khuzayma (625–627) Hind bint Abi Umayya (629–632) Zaynab bint Jahsh (627–632) Juwayriya bint al-Harith (628–632) Ramlah bint Abi Sufyan (628–632) Rayhana bint Zayd (629–631) Safiyya bint Huyayy (629–632) Maymuna bint al-Harith (630–632) Maria al-Qibtiyya (630–632) |
Anak | Mga anak na lalake: al-Qasim, `Abd-Allah, Ibrahim Mga anak na babae: Zainab, Ruqayyah, Umm Kulthoom, Fatimah Zahra |
Magulang | Ama: `Abd Allah ibn `Abd al-Muttalib Ina: Aminah bint Wahb |
Kamag-anak | Ahl al-Bayt |
Siya ay ipinanganak noong 570 CE sa siyudad ng Arabia na Mecca. Siya ay naulila sa batang edad at pinalaki ng kanyang tiyuhing si Abu Talib. Siya ay kalaunang nagtrabaho bilang isang mangangalakal gayundin din bilang isang pastol at unang nakapag-asawa sa edad na 25. Sa pagiging hindi masaya sa kanyang buhay, siya ay tumungo sa isang kweba sa mga paligid na kabundukan upang magnilay nilay. Ayon sa mga paniniwalang Islamiko, dito sa lugar na ito sa edad na 40 sa buwan ng Ramadan nang kanyang matanggap ang unang pahayag mula sa diyos. Pagkatapos ng tatlong taon pagkatapos ng pangyayaring ito, kanyang sinimulang ipangaral ng publiko ang mga pahayag na ito na naghayayag na "ang diyos ay isa", ang kumpletong pagsuko dito (islam) ang tanging paraang katanggap tanggap sa diyos at siya ay isang propeta at sugo ng diyos tulad ng ibang mga propetang Islamiko. Siya ay nagkamit ng ilang mga tagasunod sa simula ngunit nakatagpo ng pagsalungat mula sa ilang mga tribo sa Mecca. Upang makatakas sa pag-uusig, si Muhammad ay nagpadala ng ilang mga tagasunod nito sa Abyssinia bago siya at ang kanyang mga natitirang tagasunod sa Mecca ay lumipat sa Medina (na kilala sa panahong ito bilang Yathrib) noong taong 622 CE. Ang pangyayaring ito na tinatawag na Hijra ang naghudyat ng pasimula ng kalendaryong Islamiko na kilala rin bilang Kalendaryong Hijri. Sa Medina, pinag-isa ni Muhammad ang mga tribo sa ilalim ng konstitusyon ng Medina. Pagkatapos ng walong taon ng pakikidigma sa mga tribo sa Mecca, ang kanyang mga tagasunod na lumago na sa panahong ito sa mga 10,000 ay sumakop sa Mecca. Winasak ni Muhammad ang mga simbolo ng paganismo sa Mecca at ipinadala ang kanyang mga tagasunod upang wasakin ang lahat mga natitirang templong pagano sa buong Silanganing Arabia. Noong 632 CE, mga ilang buwan pagkatapos ng pagbalik nito sa Medina mula sa kanyang Pilgrimaheng Pagpapaalam, si Muhammad ay nagkasakit at namatay. Sa panahon ng kanyang katamayan, ang karamihan sa Tangway ng Arabia ay naakay sa Islam at kanyang napag-isa ang mga tribo ng Arabia sa isang relihiyosong Muslim na politiya. Ang mga pahayag (o Ayah na literal na nangangahulugang "mga tanda [ng diyos]") na iniulat ni Muhammad na kanyang natanggap hanggang sa kanyang kamatayan ay bumubuo ng mga bersikulo o talata ng Qur'an at itinuturing ng mga Muslim bilang "salita ng diyos" at batayan ng relihiyong Islam. Bukod sa Qur'an, ang buhay ni Muhammad at mga tradisyon (sunnah) ay pinanghahawakan din ng mga Muslim. Ang kanyang mga ginawa ay binatikos ng kanyang mga tagasunod at kalaban sa loob ng mga siglo.
Talambuhay
baguhinSi Muhammad ay ipinanganak at nanirahan sa Mecca sa unang 52 taon ng kanyang buhay mula 570 hanggang 622 CE. Ang yugtong ito ay pangkalahatang hinahati sa dalawang yugto, ang bago at ang pagkatapos ng paghahayag ng kanyang pahayag.
Kabataan
baguhinSi Muhammad ay ipinanganak sa buwan ng Rabi' al-awwal noong 570 CE. Siya ay kabilang sa angkang Banu Hashim na isa sa kilalang mga pamilya ng Mecca bagaman ito ay tila hindi masagana noong simulang buhay ni Muhammad. Ang Banu Hashim ay bahagi ng tribong Quraysh. Ang tradisyon ay naglalagay sa taon ng kapanganakan ni Muhammad bilang tumutugon sa Taon ng mga Elepante na pinangalanang ganito pagkatapos ng nabigong pagwasak ng Mecca nang taong iyon ng hari ng Aksumite na si Abraha na sa hukbo nito ay may ilang bilang mga elepante. Ang mga skolar ng ika-20 siglo ay nagmungkahi ng alternatibong petsa sa petsang ito gaya ng 568 o 569 CE. Ang ama ni Muhammad na si Abdullah ay namatay mga anim na buwan bago ipinanganak si Muhammad. Ayon sa tradisyong Islamiko, sa sandaling pagkatapos ipinanganak si Muhammad, siya ay ipinadala upang mamuhay kasama ng isang pamilyang Bedouin sa disyerto dahil ang buhay sa disyerto ay itinuturing na mas nakabubuti sa kalusugan ng mga sanggol. Si Muhammad ay nanatili sa kanyang ina-inahan na si Halimah bint Abi Dhuayb at asawa nito hanggang siya ay dalawang taong gulang. Itinakwil ng ilang mga skolar ng Kanluran ang historisidad (pagiging totoo) ng tradisyong ito. Sa edad na anim, naulila si Muhammad sa kanyang biolohikal na inang si Amina dahil sa sakit at naging isang lubos na ulila. Sa sumunod na dalawang mga taon, siya ay nasa ilalim ng pangangalaga ng lolo niya sa amang si Abd al-Muttalib ng angkang Banu Hashim ngunit nang siya ay walong taong gulang, ang kanyang lolo ay namatay rin. Ayon sa skolar na si William Montgomery Watt, dahil sa pangkalahatang kawalang pagsasaalang alang ng mga tagapag-alaga sa pag-aalaga ng mga mahihinang kasapi ng tribo sa Mecca noong ika-6 siglo CE "siniguro ng mga tagapag-alaga ni Muhammad na siya ay hindi mamamatay sa kagutuman ngunit mahirap para sa mga ito na gumawa pa ng higit para sa kanya lalo na nang ang kayamanan ng angkang Hashim ay tila nauubos na sa panahong ito". Habang nasa kanyang kabataan (tinedyer), sinamahan ni Muhammad ang kanyang tiyuhin sa mga paglalakbay ng pangangalakal sa Syria at nagkamit ng karanasan sa pangangalakal na ang tanging karerang bukas kay Muhammad bilang isang ulila. Ang tradisyong Islamiko ay nagsasaad na nang si Muhammad ay siyam o labindalawang taong gulang habang sinasamahan ang mga karabano ng Meccan sa Syria, kanyang nakilala ang isang mongheng Kristiyano o isang hermitanyo na nagngangalang Bahira at sinasabing nakita ang karera ni Muhammad bilang isang propeta ng diyos. Kaunti lamang ang alam sa kalaunang kabataan ni Muhammad at mula sa pragmentaryo at hindi kumpletong impormasyon na makukuha, mahirap na ihiwalay ang kasaysayan sa alamat. Alam na siya ay naging isang mangangalakal at nasangkot sa kalakalan sa pagitan ng Karagatang Indian at Dagat Mediterranean. Dahil sa sinasabing kanyang matuwid na pagkatao, kanyang nakamit ang palayaw na "al-Amin" (Arabic: الامين) na nangangahulugang "tapat, katiwa-tiwala" at "al-Sadiq" na nangangahulugang "nagsasabi ng totooo". Ang kanyang reputasyon ay nakaakit ng isang alok noong 595 mula kay Khadijah na isang 40 taong gulang na balo (biyuda) na 15 taong mas matanda sa kanya. Si Muhammad ay pumayag na magpakasal kay Khadijah na sa mga salaysay ay isang masayang pagsasama. Pagkatapos ng ilang mga taon, ayon sa salaysay na tinipon ni Ibn Ishaq, si Muhammad ay nasangkot sa isang kilalang kuwento tungkol sa paglalagay ng Batong Itim sa pader ng Kaaba noong 605 CE. Ang Batong Itim na isang sagradong bagay ay inalis upang simulan ang mga renobasyon sa Kaaba. Ang mga pinuno ng Mecca ay hindi magkasundo sa kung aling angkan ang dapat magtaglay ng karangalan sa muling paglalagay ng Batong Itim sa lugar nito. Ang mga ito ay nagkasundo na maghintay para sa susunod na tao na darating sa bakuran at kinausap siyang pumili. Ang lalakeng ito ay ang 35 taong gulang na si Muhammad na limang taon bago ang unang pahayag. Siya ay humingi ng tela at kanyang muling inilagay ang Batong Itim sa sentro. Hinawakan ng mga pinuno ng angkan ang mga dulo ng tela at sama samang dinala ang Batong Itim sa tamang lugar nito. Pagkatapos ay inilagay ni Muhammad ang bato sa lugar nito na nakasapat ng karangalan ng lahat.
Mga pasimula ng Qur'an
baguhinSi Muhammad ay nagsagawa ng pagninilay nilay ng mag-isa sa ilang mga linggo kada taon sa isang kweba sa Bundok Hira malapit sa Mecca. Ayon sa tradisyong Islamiko, sa mga isa sa kanyang pagbisita sa Bundok Hira, ang anghel Gabriel ay lumitaw sa kanya noong 610 CE at iniutos kay Muhammad na banggitin ang mga sumusunod na talata:
Ihayag! (o basahin!) sa ngalan ng iyong Panginoon at Nagmamahal, Na lumikha-
Ihayag! At ang iyong Panginoong ang Pinaka Masagana,-
Siya na nagturo (ng paggamit) ng panulat,-
Nagturo sa tao ng hindi nito alam.— Quran, sura 96 (Al-Alaq), ayat 1-5
Pagkatapos umuwi, si Muhammad ay inaliw at binigyang kasiguraduhan ni Khadijah at ng pinsan nitong Krisitiyano na si Waraqah ibn Nawfal. Sa pagkakatanggap ng kanyang unang mga pahayag, siya ay labis na nabalisa at nagnais na magpatiwakal. Si Muhammad ay natakot rin na ang iba ay isantabi ang kanyang mga pag-aangkin ng pahayag bilang isang pagsapi. Isinasaad ng tradisyong Shi'a na si Muhammad ay hindi nasurpresa o natakot sa paglitaw ni Gabriel ngunit kanyang itong tinaggap na parang inaasahan niya ito. Ang simulang pahayag ay sinundan ng pagtigil ng mga tatlong taon na sa panahong ito ay karagdagang ibinigay ni Muhammad ang kanyang sarili sa mga panalangin at pagsasanay espiritwal. Nang muling magpatuloy ang mga pahayag, siya ay nabigyan ng kasiguraduhan at initusang magsimulang mangaral: "Ang iyong Tagapag-ingat-Panginoon ay hindi ka pinabayaan, ni siya man ay hindi nayamot. Inilahad ni Sahih Bukhai si Muhammad na naglalarawan ng mga pahayag bilang "minsan ito ay (inihayag) tulad ng pagtunog ng isang kampana". Iniulat ng asawa ni Muhammad na si Aisha na "Nakita ko ang propeta na napukaw ng diyos sa isang napakalamig na araw at napansin ang pawis na bumabagsak sa kanyang noo (habang ang pagpupukaw ay natatapos). Ayon kay Welch, ang mga pahayag na ito ay sinamahan ng mga misteryosong pangingisay at ang ang mga ulat ay malamang na hindi inimbento ng mga kalaunang Muslim. Si Muhammad ay may tiwala na makikilala niya ang kanyang sariling pag-iisip mula sa mga mensaheng ito. Ayon sa Qur'an, ang isa sa pangunahing mga katungkulan ni Muhammad ang pagbabala sa mga hindi mananampalataya ng kanilang parusa (Quran 38:70, Quran 6:19). Minsan ang Quran ay hindi hayagang tumutukoy sa Araw ng Paghuhukom ngunit nagbibigay ng mga halimbawa mula sa kasaysayan ng mga naglaho nang pamayanan at nagbabala sa mga kapwa nabubuhay ni Muhammad ng parehong mga kalamidad (Quran 41:13–16). Ang misyon ni Muhammad ay sumasangkot rin sa pangangaral ng monoteismo: Si Muhammad ay inutusan na ihayag at purihin ang pangalan ng Panginoon at inutusan siyang huwag sumamba sa mga idolo (diyos diyosan) o iugnay ang ibang mga diyos sa Diyos. Ang mga pangunahing tema ng simulang talata ng Quran ay kinabibilangan ng responsibilidad ng tao tungo sa kanyang manlilikha, ang muling pagkabuhay, ang huling paghuhukom kasunod ng paglalarawan ng mga pagpapahirap sa impyerno, kaaliwan sa paraiso at mga tanda ng diyos sa lahat ng aspeto ng buhay. Ang mga katungkulang relihiyoso na inaatas sa mga mananamapalataya sa panahong ito ay kakaunti: ang pananampalataya sa diyos, paghingi ng tawad sa mga kasalanan, paghahandog ng panalangin, pagtulong sa iba, pagtakwil ng pandaraya at pagmamahal sa kayamanan (na tinuturing na mahalaga sa buhay kalakalan sa Mecca), pagiging selibato at hindi pagpatay sa mga bagong panganak na babae.
Oposisyon
baguhinAyon sa tradisyong Muslim, ang asawa ni Muhammad na si Khadija ang unang naniwala na siya ay isang propeta. Ito ay agad na sinundan ng sampung taong gulang na pinsan ni Muhammad na si Ali ibn Abi Talib na malapit na kaibigan ni Abu Bakr at inampong anak ni Zaid. Noong mga 613 CE, sinimulan ni Muhammad ang kanyang pangangaral ng publiko (Quran 26:214). Siya ay hindi pinansin at kinutya ng karamihan ng mga Mecacn samantalang ang iba ay kanyang naging mga tagasunod. Mayroong tatlong pangunahing mga pangkat ng sinaunang mga tagasunod ni Muhammad: mga batang kapatid at anak ng mga dakilang mangangalakal; mga taong naalis sa unang ranggo ng kanilang tribo o nabigong makamit ito; at mga mahina at karamihang hindi protektadong dayuhan. Ayon kay Ibn Sad, ang pagtutol sa Mecca ay nagsimula nang si Muhammad ay maghayag ng mga talatang kumokondena sa pagsamba ng mga idolo (diyos-diyosan) at ng mga ninunong Meccan na nagsagawa ng politeismo. Gayunpman, sinasabi ng ekshesis na Quraniko na ito ay nagmula sa sandaling mangaral ng publiko si Muhammad. Habang ang bilang ng mga tagasunod ni Muhammad ay lumago, siya ay naging banta sa mga lokal na tribo at mga pinuno ng lungsod na ang kayamanan ay nakasalig sa Kaaba, na sentro ng relihiyosong buhay ng Mecca at binantaan ni Muhammad na pababagsakin. Ang pagtakwil ni Muhammad ng tradisyonal na relihiyong Meccan ay lalong opensibo sa kanyang sariling tribo na Quraysh dahil ang mga ito ang tagapag-ingat ng Kaaba. Ang makapangyarihang mga mangangalakal ay sumubok na kumibinsihin si Muhammad na iwan ang kanyang pangangaral sa pamamagitan ng pag-aalok ng pagpasok sa panloob na pangkat ng mga mangangalakal at pagpapatibay ng kanyang posisyon sa pamamagitan ng isang nakapakikinabangang pagpapakasal. Gayunpaman, si Muhammad ay tumanggi. Ang tradisyon ay nagtatala ng pag-uusig at masamang pakikitungo kay Muhammad at ng kanyang mga tagasunod. Si Sumayyah bint Khabbab na isang babaeng alipin ng kilalang pinunong Meccan na si Abu Jahl ay kilala bilang unang martir ng Islam na pinatay ng sibat ng kanyang pinuno nang ito ay tumangging itakwil ang kanyang pananampalataya. Si Bilal na isa pang aliping Muslim ay pinahirapan ni Umayyah ibn Khalaf na naglagay ng isang mabigat na bato sa kanyang dibdib upang pwersahin ang kanyang konbersiyon. Sa kabila ng mga insulto, si Muhammad ay naprotektahan mula sa panganib na pisikal dahil siya ay kaanib sa angkang Banu Hashim. Noong 615 CE, ang ilan sa mga tagasunod ni Muhammad ay lumipat sa Imperyong Etiopian na Aksumite at nagtatag ng isang maliit na kolonya dito sa ilalim ng proteksiyon ng Emperador na Kristiyanong si Aṣḥama ibn Abjar. Dahil sa kadesperaduhan ng pag-asa ni Muhammad ng akomodasyon sa kanyang tribo dahil sa takot o sa pag-asang magtagumpay sa paraang ito, kanyang inihayag ang isang talata na kumikilala sa pag-iral ng tatlong mga diyosang Meccan na itinuturing na mga anak na babae ni Allah at umapela sa mga ito para sa pamamagitan o intersesyon ng mga ito. Kalaunan ay binawi ni Muhammad ang mga talatang ito sa utos ni Gabriel na nag-aangking ang mga talatang ito ay ibinulong ng mismong diyablo. Ang episodyong ito ay kilala bilang "Ang Kuwento ng mga Crane" (Qissat al Gharaneeq) at kilala rin bilang mga Satanikong Talata(Satanic Verses). Bagaman ang insidenteng ito ay nagkamit ng malawakang pagtanggap sa mga sinaunang Muslim, ang malakas na pagtutol dito ay itinaas simula ika-10 siglo CE sa dahilang teolohikal. Ang mga pagtutol ay patuloy na itinataas na ang pagtakwil sa historisidad ng insidenteng ito ang tanging naging katanggap tanggap na posisyong ortodoksong Muslim. Noong 617 CE, ang mga pinuno ng Makhzum at Banu Abd-Shams na dalawang mahalagang mga angkang Quraysh ay naghayag ng publikong boykot laban sa Banu Hashim na kanilang katunggali sa kalakalan upang pilitin ito sa paghugot ng proteksiyon kay Muhammad. Ang boykot ay tumagal ng tatlong taong ngunit kalaunang bumagsak dahil sa nabigo itong makamit ang layunin nito. Sa panahong ito, si Muhammad ay nakapangaral lamang tuwing buwang pilgrimahe kung saan ang lahat ng mga alitan sa pagitan ng mga Arabe ay itinigil.
Isra at Mi'raj
baguhinIsinasalaysay ng tradisyong Islamiko na noong 620 CE, si Muhammad ay nakaranas ng Isra at Mi'raj na isang milagrosong paglalakbay na sinasabing nangyari kasama ni anghel Gabriel sa isang gabi. Sa unang bahagi ng paglalakbay na Isra, si Muhammad ay sinasabing naglakbay mula Mecca sa isang may pakpak na kabayo (Buraq) sa pinakamalayong moske (masjid al-aqsa) na karaniwang tinutukoy ng mga Muslim na moskeng Al-Aqsa sa Herusalem. Sa ikalawang bahagi naMi'raj, si Muhammad ay sinasabing naglakbay sa langit at lupa at nagsalita sa mga naunang propeta gaya ni Abraham, Moises at Hesus. Ang may-akda ng unang biograpiya ni Muhammad na si Ibn Ishaq ay itinanghal ang pangyayaring ito bilang isang espiritwal na karanasan samantalang ang mga kalaunang historyan gaya ni Al-Tabari at Ibn Kathir ay itinanghal ito bilang isang pisikal na paglalakbay. Isinaad ng ilang mga kanluraning skolar na ang pinakamatandng tradisyong Muslim ay tumukoy sa paglalakbay na ito bilang paglalakbay sa mga langit mula sa sagradong saradong lugar ng Mecca hanggang sa selestiyal na al-Baytu l-Ma?mur (na panlangit na uri ng Kaaba). Sa kalaunang tradisyon, ang paglalakbay na ito ay tinukoy na paglalakbay mula Mecca hanggang Herusalem.
Mga huling taon sa Mecca bago ang Hijra
baguhinAng asawa ni Muhammad na si Khadijah at tiyuhin ni Muhammad na si Abu Talib ay parehong namatay noong 619 CC na taong nakilala bilang "taon ng pagluluksa". Sa kamatayan ni Abu Talib, ang pagkapinuno ay ipinasa kay Abu Lahab na matagal at malalim na kaaway ni Muhammad. Sa sandaling pagkatapos nito, hinugot ni Abu Lahab ang proteksiyon mula kay Muhammad. Ito ay naglagay kay Muhammad sa panganib ng kamatayan dahil sa ang panghugot ng proteksiyon ng angkan ay nagpapahiwatig na ang paghihiganti ng dugo sa kanyang pagpatay ay hindi makakamit. Pagkatapos nito ay binisita ni Muhammad ang Ta'if na isa pang mahalagang siyudad sa Arabia at kanyang sinubukang humanap ng tagaprotekta para sa kanyang sarili doon ngunit ang pagsisikap na ito ay nabigo at karagdagang nagdala sa kanya sa pisikal na panganib. Si Muhammad ay napilitang bumalik sa Mecca. Ang isang lalakeng Meccan na nagngangalang Mut'im b. Adi ang gumawang posible para kay Muhammad na ligtas na muling makapasok sa kanyang katutubong siyudad. Maraming mga tao ay bumibisita sa Mecca dahil sa negosyo o bilang mga peregrino (pilgrim) sa Kaaba. Ginamit ni Muhammad ang oportunidad na ito upang humanap ng bagong tahanan para sa kanyang sarili at kanyang mga tagasunod. Pagkatapos ng ilang mga hindi matagumpay na negosasyon, siya'y nakahanap ng pag-asa sa ilang mga lalake mula sa Yathrib na kalaunang tinawag na Medina. Ang Arabeng populasyon ng Yathrib ay pamilyar sa monoteismo at nakahanda sa paglitaw ng isang propeta dahil ang isang pamayanang Hudyo ay umiiral doon. Ang mga ito ay umaasa rin kay Muhammad at ang bagong pananampalataya na magkamit ng pagiging higit sa Mecca dahil ang mga ito ay naiingit sa kahalagahan ng Mecca bilang lugar ng pilgrimahe. Ang mga akay sa Islam ay nagmula sa halos lahat ng mga tribong Arabe sa Medina na noong mga Hunyo ng sumunod na taon, may mga 75 Muslim na nagpupunta sa Mecca para sa pilgrimahe at upang makipagpulong kay Muhammad. Sa pakikipagpulong ng lihim kay Muhammad sa gabi, ginawa ng pangkat ang tinatawag na "Ikalawang Pangako ng al-`Aqaba", o "Pangako ng Digmaan". Kasunod ng mga pangako sa Aqabah, hinikayat ni Muhammad ang kanyang mga tagasunod na lumipat sa Yathrib. Gaya ng paglipat sa Abyssinia, tinangkang pigilan ng Quraysh ang emigrasyong ito. Gayunpaman, halos lahat ng mga Muslim ay nagawang makaalis.
Hegira
baguhinAng Hegira ang migrasyon o paglipat ni Muhammad at ng kanyang mga tagasunod mula sa Mecca tungo sa Medina noong 622 CE. Noong Setyembere 622 CE, sa babala ng tangkang pagpatay sa kanya, si Muhammad ay sikretong pumuslit paalis sa Mecca kasama ng kanyang mga tagasunod sa Medina na 320 kilometrong hilaga ng Mecca. Ang Hegira ay taunang pinagdidiwang sa unang araw ng taong Muslim.
Paglipat sa Medina
baguhinAng isang delegasyon na binubuo ng mga kinatawan ng labindalawang mahalagang mga angkan ng Medina ay umimbita kay Muhammd bilang isang neutral na tagalabas sa Medina upang maglingkod bilang hepeng tagapamagitan sa buong pamayanan. May labanan sa Yathrib na pangunahing kinasasangkutan ng mga Arabe at Hudyong residente nito sa loob ng isang daang taon bago ang 620 CE. Ang paulit ulit na mga pagpaslang at hindi pagkakasunduan dahil sa nagreresultang mga pag-aangkin lalo na pagkatapos ng Labanan ng Bu'ath kung saan ang lahat ng mga angkan ay sangkot ay gumawang halata sa mga ito na ang konsepsiyong pang-tribo ng alitang pangdugo at mata sa mata ay hindi gumagagana malibang may isang taong may autoridad na mamamagitan sa mga pinagtatalunang kaso. Ang delegasyon mula sa Medina ay nangako sa kanilang sarili at sa mga kapwa mamamayan na tanggapin si Muhammad sa kanilang pamayanan at pisikal na protektahan ito bilang isa sa kanila. Inutusan ni Muhammad ang kanyang mga tagasunod na lumipat sa Medina hanggang sa halos lahat ng mga kanyang mga tagasunod ay umalis sa Mecca. Dahil sa pagkaalarma sa paglisan ng mga Muslim, ayon sa tradisyon, tinangkang pataying ng mga Meccan si Muhammad. Sa tulong ni Ali, dinaya ni Muhammad ang mga Meccan na nanonood sa kanya at sikretong pumuslit papalayo sa bayan kasama si Abu Bakr. Noong mga 622 CE, si Muhammad ay lumipat sa Medina na isang malaking oasis na agrikultural. Ang mga lumipat sa Mecca kasama ni Muhammad ay nakilala bilang mga muhajirun (emigrante).
Pagtatatag ng bagong politiya
baguhinKasama sa mga unang bagay na ginawa ni Muhammad upang ayusin ang matagal na alitan sa mga tribo ng Medina ang pagdadrapto ng isang dokumentong tinatawag na Konstitusyon ng Medina na "nagtatatag ng isang uring alyansa o pederasyon" sa mga walong tribong Medina at emigranteng Muslim mula sa Mecca at nagbabanggit ng mga karapatan at katungkulan ng lahat ng mga mamamayan at ang ugnayan ng mga iba't ibang pamayanan sa Medina (kabilang ang komunidad ng Muslim sa ibang mga komunidad spesipiko na ang mga Hudyo at ibang mga "Bayan ng Aklat/Peoples of the Book"). Ang pamayanang inilalarawan sa Konstitusyon ng medina, ang Ummah, ay may pananaw relihiyoso ngunit hinugis rin ng mga praktikal na pagsasaalang alang at malaking nag-iingat ng mga anyong legal ng mga matandang tribong Arabe. Ito ay epektibong nagtatag ng unang estadong Islamiko. Ang ilang mga ordinansa ay inihayag upang mahalina ang mga marami at mayamang populasyong Hudyo. Gayunpaman, ang mga ito ay mabilis na napawalang bisa dahil ang mga Hudyo ay nagpilit na ingatan ang buong batas Mosaiko at hindi kumilala kay Muhammad bilang isang propeta dahil siya ay hindi nagmula sa lahi ni David. Ang unang pangkat ng mga akay na pagano sa Islam sa Medina ang mga angkan na hindi nakalikha ng mga dakilang pinuno para sa kanilang mga sarili ngunit nagdanas ng mga pinunong mahilig sa digmaan mula sa ibang mga angkan. Ito ay sinundan ng mga pangkalahatang pagtanggap ng Islam ng populasyong pagano ng Medina bukod sa ilang mga ekspepsiyon. Ayon kay Ibn Ishaq, ito ay naimpluwensiyahan ng konbersiyon ni Sa'd ibn Mu'adh (na isang kilalang pinunong Medinan) sa Islam. Ang mga Medinan na naakay sa Islam at tumulong sa mga emigranteng Muslim na nakahanap ng matutuluyan ay nakilala bilang mga ansar (sumusuporta). Pagkatapos nito, itinayo ni Muhammad ang kapatiran sa pagitan ng mga emigrante at mga sumusuporta at kanyang pinili si Ali bilang kanyang kapatid.
Pasimula ng armadong alitan
baguhinKasunod ng paglipat o emigrasyon, sinunggaban ng mga Meccan ang mga pag-aari ng mga emigranteng Muslim sa Meccan. Dahil sa pagkawasak ng kanilang kabuhayan at kawalan ng makukuhang trabaho, ang mga migranteng Muslim ay tumungo sa pagsalakay ng mga karabanong Meccan na nagpasimula ng armadong alitan sa Mecca. Si Muhammad ay naghayag ng mga talata na pumapayag sa mga Muslim na makipaglaban sa mga Meccan (sura Al-Hajj, Quran 22:39–40). Ang pag-atakeng ito ng mga migranteng Muslim ay gumawa sa mga ito na magkamit ng kayamanan, kapangyarihan at prestihiyo habang gumagawa sa pagkakamit ng kanilang huling layunin ng pananakop sa Mecca. Noong 11 Pebrero 624 CE ayon sa salaysay na tradisyonal, habang nananalangin sa Masjid al-Qiblatain sa Medina, si Muhammad ay nakatanggap ng pahayag mula sa diyos na siya ay dapat humarap sa Mecca kesa sa Herusalem sa tuwing ginagawa ang panalangin. Sa kanyang pagsasaayos ng kanyang sarili, ito ay ginawa rin ng kanyang mga kasama na naging pasimula ng tradisyon ng pagharap sa Mecca habang isinasagawa ang panalangin. Ayon kay Watt, ang pagbabago ay maaaring hindi biglaan at tiyak kesa sa iminumungkahi ng kuwento. Ang mga kaugnay na talata sa Quran na 2:136–2:147 ay lumilitaw na nahayag sa iba't ibang panahon at nag-uugnay ng mga pagbabago sa saligang suportang pampolitika ni Muhammad at sumisimbolo sa paglayo niya sa mga Hudyo at pagtanggap ng mas Arabeng pananaw. Noong Marso 624 CE, pinamununan ni Muhammad ang ilang mga tatlong daang mandirigma sa isang pagsalakay sa karabano ng mangangalakal. Ang mga Muslim ay nagtakda ng pagtambang (ambush) sa mga ito sa Badr. Dahil sa pagkakaroon ng kamalayan sa planong ito, ang karabanong Meccan ay nakatakas sa mga Muslim. Samantala, ang isang pwersa mula sa Mecca ay ipinadala upang protektahan ang karabano at nagpatuloy upang konprontahin ang mga Muslim sa pagkakarinig na ang karabano ay ligtas. Ang Labanan sa Badr ay nagsimula noong Marso 624 CE. Bagaman ang mga Muslim ay nahigitan sa bilang ng tatlo sa isa, ang mga Muslim ay nagwagi sa labanan at pumatay ng hindi bababa sa 45 Meccan at 14 Muslim lamang ang napatay. Ang mga ito ay nagtagumpay rin sa pagpatay ng mga pinunong Meccan kabilang si Abu Jahl. Ang 70 mga bilanggo ay nakamit na ang karamihan sa mga ito ay sandaling pinatubos kapalit ng kayamanan o pinalaya. Nakita ni Muhammad at ng kanyang mga tagasunod sa pagwawaging ito ang kompirmasyon ng kanilang pananampalataya dahil itinuro ni Muhammad ang pagwawagi sa tulong mga hindi makikitang hukbo ng mga anghel. Ang mga talatang Quraniko sa panahong ito hindi tulad ng mga Meccan ay umuukol sa mga praktikal na problema ng pamahalaan at mga isyu tulad ng pamamahagi ng mga nakamkam na pag-aari. Ang pagwawaging ito ay nagpalakas ng posisyon ni Muhammad sa Mecca at nagsantabi ng mga naunang pagdududa sa kanyang mga tagasunod. Dahil dito, ang oposisyon kay Muhammad ay naging mas hindi bokal. Ang mga pagano na hindi pa naakay ay naging mapait sa pagsulong ng Islam. Ang dalawang mga paganong sina Asma bint Marwan at Abu 'Afak ay lumikha ng mga talata na kumukutya at umiinsulto sa mga Muslim. Sila ay pinatay ng mga taong kabilang sa kanila o kaugnay na mga angkan at wala nang alitang pandugo ang sumunod. Pinatalsik ni Muhammad mula sa Medina ang Banu Qaynuqa na isa sa pangunahing mga tribong Hudyo. Bagaman ginusto ni Muhammad na patayin ang mga ito, ang hepe ng tribong Khazraj na si Abd-Allah ibn Ubaiy ay hindi umayon at ang mga ito ay pinatalsik sa Syria ng walang pag-aari. Kasunod ng Labanan sa Badr, si Muhammad ay gumagawa rin mga alyansang mutual na tulungan sa ilang bilang mga tribong Bedouin upang protektahan ang kanyang pamayanan mula sa pag-atake ng hilagang bahagi ng Hijaz.
Alitan sa Mecca
baguhinAng mga Meccan sa ngayon ay nababalisa sa paghihiganti ng kanilang pagkakatalo. Upang panatilihin ang kanilang kasaganaang pang kabuhayan, ang mga Meccan ay nangangailang ipanumbalik ang kanilang prestihiyo na nawala sa Badr. Sa mga sumunod na buwan, ang mga Meccan ay nagpadala ng mga partidong tatambang sa Medina samantalang si Muhammad ay namuno sa mga ekspedisyon sa tribong kaalyado ng Mecca at nagpadala ng isang pagsalakay sa isang karabanong Meccan. Si Abu Sufyan ay kalaunang nagtipon ng isang hukbo ng mga tatlong libong katao at nagtakda ng isang pag-atake sa Medina. Ang isang scout ang nag-alerto sa presensiya ng hukbong Mecca at bilang nito ng kalaunang araw. Sa sumunod na umaga sa isang konperesiya ng digmaan na Muslim, nagkaroon ng alitan sa kung paano ang pinakamahusay na paraan upang mapatalsik ang mga Meccan. Si Muhammad at ang mga matandang pinuno ay nagmungkahing mas ligtas na lumaban sa loob ng Medina at samantalahin ang mga labis na matitibay na kuta nito. Ang mga mas batang Muslim ay nangatwiran ang mga Meccan ay wumawasak ng kanilang mga pananim at ang pagtitipon sa mga kuta ay wawasak ng prestihiyo ng Muslim. Si Muhammad ay kalaunong sumuko sa mga kagustuhan ng huli at inihanda ang pwersang Muslim para sa labanan. Pinamunuan ni Muhammad ang pwersa sa labas ng bundok ng Uhud (kung saan ang mga Meccan ay nagkampo) at lumaban sa Labanan ng Uhud noong Marso 23. Bagaman ang hukbong Muslim ang pinakamahusay sa simulang engkwentro, ang kawalang dispilina sa bahagi ng stratetihikal na nakalagay na mga mampanana ay tumungo sa pagkakatalo ng Muslim kung saan 75 mga Muslim ang napatay kabilang si Hamza na tiyuhin ni Muhammad at isa sa pinakakilalang martir ng tradisyong Muslim. Ang mga Meccan ay hindi na karagdagan pang nagpursigi ngunit nagmartsang pabalik sa Mecca na naghahayag ng pagwawagi. Ito ay malamang sa dahilang si Muhammad ay nasugatan at inakalang namatay. Nang malaman nila ito sa kanilang pagbabalik, hindi na sila bumalik pa dahil sa maling impormasyon tungkol sa mga bagong pwersa na dumarating upang tulungan si Muhammad. Gayunpaman, hindi sila lubos na naging matagumpay dahil sila ay nabigong kumpletong wasaking ang mga Muslim. Inilibing ng mga Muslim ang namatay nilang kasama at bumalik sa Medina ng gabi. Ang mga tanong ay natipon sa kung anong dahil ng pagkakatalo at si Muhammad ay kalaunang naghayag ng mga talatang Quraniko 3:152 na nagpapakitang ang kanilang pagkatalo ay sa isang bahagi parusa sa kanilang hindi pagsunod at sa isang bahagi ay isang pagsubok sa kanilang katapatan. Idiniretka ni Abu Sufyan ang kanyang mga pagsisikap sa isa pang pag-atake sa Medina. Siya ay nakaakit ng suporte sa mga tribong nomadiko sa hilaga at silangan ng Medina gamit ang propaganda tungkol sa kahinaan ni Muhammad, pangako ng samsam at memorya ng prestihiyo ng Quraysh at paggamit ng mga suhol. Ang patakaran ngayon ni Muhammad ay upang pigilan ang mga alyansa laban sa kanya sa abot ng kanyang makakaya. Sa tuwing ang mga alyansa ng mga lalake ng tribo laban sa Medina ay nabuo, siya ay nagpapadala ng ekspedisyon upang buwagin nito. Nang marinig ni Muhammad ang mga lalakeng nagtitipon na may layuning masama laban sa Medina, siya ay labis na tumugon. Ang isang halimbawa ang asasinasyon ni Ka'b ibn al-Ashraf na punong hepe ng tribong Hudyo na Banu Nadir na nagpunta sa Mecca at sumulat ng tula na nakatulong upang pukawin ang siphayo, galit at pagnanais ng mga Meccan na maghiganti pagkatapos ng labanan ng Badr. Nang sumunod na taon, pinatalsik ni Muhammad ang Banu Nadir mula sa Medina tungo sa Syria na pumapayag sa mga ito na kumuha ng ilang mga pag-aari dahil hindi niya magawang supilin ang kanilang mga kuta. Ang natitirang mga pag-aari nito ay inangkin ni Muhammad sa ngalan ng diyos dahil ang mga ito hindi nakamit nang may nadanak na dugo. Sinurpresa ni Muhammad ang iba't ibang mga tribong Arabe ng isa isa na nagsanhi sa kanyang mga kalaban na magkaisa upang wasakin siya. Ang mga pagtatangka ni Muhammad na pigilan ang pagbuo ng isang konpederasyon laban sa kanya ay hindi naging matagumpay bagaman nagawa niyang padamihin ang kanyang pwersa at pigilan ang mga potensiyal na tribo sa paglahok sa kanyang mga kaaway.
Pagsalakay ng Medina
baguhinSa tulong ng ipinatapong Banu Nadir, ang pinuno ng hukbong Quraysh na si Abu Sufyan ay nagtipon ng pwersa ng mga 10,000 lalake. Si Muhammad ay naghanda ng pwersa ng mga 3,000 lalake at kumuha ng bagong anyo ng pagtatanggol na hindi alam sa Arabia sa panahong ito. Ang mga Muslim ay naghukay ng isang kanal sa tuwing ang Medina ay bukas sa pag-atake ng kabalyero. Ang ideyang ito ay itinuturo sa akay na Persian sa Islam na si Salman ang Persian. Ang pagsalakay sa Medina ay nagsimula noong 31 Marso 627 CE at tumagal ng mga dalawang linggo. Ang mga hukbo ni Abu Sufyan ay hindi handa sa mga portipikasyon na kanilang naengkwentro at pagkatapos ng hindi epektribong pagsalakay na tumagal ng ilang mga linggo, ang koalisyon ay nagpasyang umuwi. Tinalakay ng Quran ang labanan ito sa sura Al-Ahzab, ayat 9–27, 33:9–27. Habang nangyayari ang labanan, ang tribong Hudyo na Banu Qurayza na matatagpuan sa timog ng Medina ay pumasok sa isang negosasyon sa mga pwersang Meccan upang maghimagsik laban kay Muhammad. Bagaman ang mga ito ay nahikayat ng mga mungkahing si Muhammad ay tiyak na mahihigitan, sila ay nagnais ng kasiguraduhan sa kasong ang konpederasya ay hindi magawang wasakin si Muhammad. Walang kasunduan ang naabot pagkatabos ng mahabang negosasyon na sa isang bahagi ay dahil sa pagtatangkang sabotahe ng mga scout ni Muhammad. Pagkatapos ng pag-urong ng koalisyon, inakusahan ng mga Muslim ang Banu Qurayza ng panlilinlang at sinalakay ang kanilang mga muog sa loob ng 25 araw. Ang Banu Qurayza ay kalaunang sumuko. Ayon kay Ibn Ishaq, ang lahat ng mga lalake maliban sa ilang mga naakay sa Islam ay pinugutan ng ulo samantalang ang mga babae at bata ay inalipin. Gayunpaman, tinutulan nina Walid N. Arafat at Barakat Ahmad ang akurasya ng salaysay ni Ibn Ishaq's. Naniniwala si Araft na ang mga pinagkunang Hudyo ni Ibn Ishaq na nagsasalita nang mga 100 taon pagkatapos ng pangyayari ay pinagsama ang salaysay sa mga memorya ng mas naunang mga masaker sa kasaysayan Hudyo. Kanyang itinuro na si Ibn Ishaq ay itinuturing na hindi maasahang historyan ng kakontemporaryong si Malik ibn Anas at isang tagahatid ng mga "kakaibang kuwento" ng kalaunang si Ibn Hajar. Nangatwiran si Ahmad na ilan lamang sa tribo ang napatay samantalang ang ilang mga mandirigma ay inalipin lamang. Nakita ni Watt na ang gma argumento Arafat ay "hindi kumpletong nakahihiyakata" samantalang sinalungat ni Meir J. Kister ang mga argumento nina Arafat at Ahmad. Sa pagsalakay sa Medina, ibinigay ng mga Meccan ang kanilang pinahigit na lakas tungo sa pagkawasak ng pamayanang Muslim, Ang kanilang pagkabigo ay nagresulta sa malaking pagkawala ng kanilang prestihiyo at kanilang pakikipagkalakalan sa Syria ay nawal. Kasunod ng Labanan ng Trecnh, si Muhammad ay gumawa ng dalawang ekspedisyon sa hilaga na nagwakas ng walang labanan. Sa pagbalik sa isa (o sa ilang mga taon bago nito ayon sa ilang mga naunang salaysay), ang isang akusasyon ng pangangalunya ay ginawa laban sa asawa ni Muhammad na si Aisha. Si Aisha ay napawalang sala sa mga akusasyong ito nang si Muhammad ay naghayag na siya ay nakatanggap ng pahayag na kumukumpirma sa pagiging inosente ni Aisha at nagutos na ang mga kaso ng pangangalunya ay suportahan ng apat na mga saksi (sura 24, An-Nur).
Tigil awayan ng Hudaybiyyah
baguhinBagaman naipangaral na ni Muhammad ang mga talatang Quraniko na nag-uutos ng Hajj, hindi ito nagawa ng mga Muslim sanhi ng poot ng Quraysh. Sa buwan ng Shawwal 628 CE, inutusan ni Muhammad ang kanyang mga tagasunod na kumuha ng mga inihahandog na hayop at gumawa ng pilgrimahe (umrah) sa Mecca na nagsasabing ang ipinangako sa kanya ng diyos ang katuparan ng kanyang layunin sa isang pangitain nang kanyang ahitin ang kanyang ulo pagkatapos ng Hajj. Sa pagkakarinig ng papalapit na mga 1,400 Muslim, ang Quraysh ay nagpadala ng isang pwersa ng 200 kabalyero upang pigilan ang mga ito. Si Muhammad ay nakatakas sa mga ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mas mahirap na ruta at naabot ang al-Hudaybiyya sa labas lamang Mecca. Ayon kay Watt, bagaman ang desisyon ni Muhammad na gumawa ng pilgrimahe ay batay sa kanyang panaginip, sa parehong panahon ay nagpapakita sa mga paganong Meccan na ang Islam ay hindi nagbabanta ng prestihiyo kanilang sanktuwaryo at ang Islam ay isang relihiyong Arabe. Ang mga negosasyon ay nagsimula sa mga emisaryo na labas masok sa Mecca. Habang ito ay nagpapatuloy, ang isang tsismis ay lumaganap na ang isa sa mga negosyador na Muslim na si Uthman bin al-Affan ay napatay ng Quraysh. Si Muhammad ay tumugon sa pamamagitan ng pagtawag sa mga pilgrim na gumawa ng pangako na huwag tumawag (o manatili kay Muhammad sa anumang desisyong kanyang gawin) kung ang sitwasyon ay tumungo sa isang digmaan sa Mecca. Ang pangakong ito ay nakilala bilang "Pangako ng Pagtanggap" (Arabic: بيعة الرضوان , bay'at al-ridhwān) o "Pangako sa ilalim ng Puno". Gayunpaman, ang balita sa kaligtasan ni Uthman ay pumayag sa mga negosasyon na magpatuloy at ang isang kasunduang nakatakda na magtagal ng 10 taon ay kalaunang nilagdaan ng mga Muslim at Quraysh. Ang pangunahing mga punto ng kasunduan ay kinabibilangan ng pagtigil ng alitan; ang pagsusupindi ng pilgrimahe ni Muhammad sa sumunod na taon; at ang kasundun na ipauwi ang sinumang Meccan na nagpunta sa Medina nang walang permsiyon ng kanilang taga-ingat. Karamihan sa mga Muslim ay hindi nasiyahan sa mga termino ng kasunduan. Gayunpaman, ang Quranikong sura "Al-Fath" (Ang Pagwawagi) (Quran 48:1–29) ay sumiguro sa mga Muslim na ang ekspedisyon na kanilang pinag-uwian ay dapat ituring na isang pagwawagi. Kalaunan lamang natanto ng mga tagasunod ni Muhammad ang pakinabang sa likod ng kasunduang ito. Ang mga pakinabang na ito ay kinabibilangan ng paghikayat sa mga Meccan na kilalanin si Muhammad bilang katumbas; pagtigil ng gawaing pang-hukbo para sa hinaharap; at pagkakamit ng paghanga ng mga Meccan na humanga sa pagsasama ng mga ritwal ng pilgrimahe. Pagktapos ng paglalada ng tigil-awayan, si Muhammad ay gumawa ng ekspedisyon laban sa oasis na Hudyong oasis ng Khaybar, na kilala bilang Labanan ng Khaybar. Ito ay malamang sanhi ng pagpapatira ng Banu Nadir na pumupukaw ng mga poot laban kay Muhammad o upang muling makamit ang isang prestihiyo upang ilihis ang para sa ilang mga Muslim ay hindi konklusibong resulta ng tigil-awayan ng Hudaybiyya. Ayon sa tradisyong Muslim, si Muhammad ay nagpadala rin ng mga sulat sa maraming mga pinuno ng mundo na humihikayat sa mga ito na maakay sa Islam. Sa mga taon kasunod ng tigil-awayan ng Hudaybiyyah, pinadala ni Muhammad ang kanyang mga pwersa laban sa mga Arabe sa lupaing Transjordanian Byzantine soil sa Labanan ng Mu'tah kung saan ang mga Muslim ay natalo.
Mga huling taon
baguhinPananakop ng Mecca
baguhinAng tigil-awayan ng Hudaybiyyah ay ipinatupad nang dalawang taon. Ang tribong Banu Khuza ay may magandang relasyon kay Muhammad samantalang ang kanilang mga kaaway na Banu Bakr ay may alyansa sa mga Meccan. Ang isang angkan ng Bakr ay gumawa ng gabing pagsalakay laban sa Khuza'a na pumatay ng ilan sa mga ito. Tinulungan ng mga Meccan ang Banu Bakr ng armas ayon sa ilang mga pinagkukunan at ang ilang mga Meccan ay nakilahok rin sa pakikipaglaban. Pagkatapos ng pangyayaring ito, si Muhammad ay nagpadala ng mensahe sa Mecca nang may tatlong kondisyon na humihingi sa mga itong tanggapin ang isa sa mga ito. Ito ay ang Mecca ay magbabayad ng salaping-dugo para sa mga napaslang sa tribong Khuza'ah, itakwil ang mga kanilang sarili ng Banu Bakr o kanilang ihayag ang tigil-awayan ng Hudaybiyyah na napawalang bisa. Ang mga Meccan ay tumugon na kanilang tatanggapin ang huling kondisyon. Gayunpaman, agad nilang natanto ang kanilang pagkakamali at ipinadala si Abu Sufyan upang muling baguhin ang kasunduuang Hudaybiyyah ngunit ang kahilingang ito ay tinanggihan ni Muhammad. Si Muhammad ay nagsimulang maghanda para sa isang kampanya. Noong 630 CE, si Muhammad ay nagmartsa sa Mecca nang may isang malaking pwersa na sinasabing higit sa sampung libong lalake. Sa kaunting kamatayan, nakuha ni Muhammad ang kontrol ng Mecca. Siya ay naghayag ng amnestiya para sa mga nakaraang kasalanan maliban sa sampung lalake at babae na "may sala sa pagpapatay o iba pang kasalanan o nagpasiklab ng digmaan at sinira ang kapayapaan". Ang ilan sa mga ito ay kalaunang pinatawad. Karamihan sa mga Meccan ay naakay sa Islam at kalaunan ay winasak ni Muhammad ang lahat ng mga estatwa ng mga diyos na Arabe sa at sa palibot ng Kaaba. Ayon sa mga ulat na tinipon ni Ibn Ishaq at al-Azraqi, personal na pinatawad ni Muhammad ang mga iginuhit na sining o fresco nina Marya at Hesus sa pagkawasak ngunit ayon sa ibang mga tradisyon ang lahat ng mga larawan ay binura. Ang quran ay tumatalakay ng pananakop ng Mecca.
Pananakop ng Arabia
baguhinSa sandaling pagkatapos ng pananakop ng Mecca, si Muhammad ay naalarama sa bantang panghukbo mula sa konpederatong mga tribo ng Hawazin na nagtitipon ng hukbong dalawang beses na mas malaki sa hukbo ni Muhammad. Ang mga Banu Hawazin ang matandang mga kaaway ng mga Meccan. Sila ay sinalihan ng Banu Thaqif (na naninirahan sa siyudad ng Ta'if) na tumanggap ng patakarang anti-Meccan sanhi ng pagbagsak ng prestihiyo ng mga Meccan. Tinalo ni Muhammad ang mga tribong Hawazin at Thaqif sa Labanan ng Hunayn. Sa parehong taon, si Muhammad ay gumawa ng ekspedisyon ng Tabuk laban sa hilagaang Arabia dahil sa nakaraang pagkakatalo sa Labanan ng Mu'tah gayundin dahil sa mga saloobing nakapopoot na tinanggap laban sa mga Muslim. Sa pinakadakilang hirap, kanyang tinipon ang tatlumpung. Gayunpaman, ang ang kalahati nito, sa ikalawang araw pagkatapos ng kanilang paglisan mula sa Mecca ay bumalik kasama si Abd-Allah ibn Ubayy na hindi naligalig sa mga nakasusumpang mga talatang inilunsad sa kanila ni Muhammad. Bagaman si Muhammad ay hindi gumawa ng pakikipag-ugnayan sa mga napopoot na pwersa sa Tabuk, kanyang natanggap ang pagpapasakop ng ilang mga lokal na help ng rehiyon. Iniutos rin ni Muhammad ang pagwasak ng mga natitirang idolo (diyos-diyosan) ng Silanganang Arabia. Ang huling siyudad na sumalungat laban sa mga Muslim sa Silanganang Arabia ang Taif. Tumanggi si Muhammad na tanggapin ang pagsuko ng siyudad maliban umayon ang mga ito sa pagkonberte sa Islam at hayaang ang kanyang mga tao na wasakin ang estatwa ng kanilang diyosang si Allat. Isang taon matapos ang Labanan ng Tabuk, si Banu Thaqif ay nagpadala ng mga emisaryo sa Medina upang sumuko kay Muhammad at tanggapin ang Islam. Maraming mga bedouin ang sumuko kay Muhammad upang maging ligtas sa kanyang mga pag-atake at upang makinabang sa mga nasamsam na pag-aari sa digmaan. Gayunpaman, ang mga bedouin ay dayuhan sa sistemang Islam at nagnais na panatilihin ang kanilang independensiya, ang kanilang natatag na kodigo ng pag-aasal at kanilang pang-ninunong mga tradisyon. Dahil dito si Muhammad ay nag-atas sa mga ito ng isang kasunduang pang-hukbo at pampolitika na ayon dito ay "kanilang kikilalanin ang soberanya ng Medina, umiwas sa pag-atake ng mga Muslim at mga kaalyado nito at magbayag ng zakat na isang buwis na Muslim".
Pilgrimaheng pagpapaalam
baguhinNoong 632 CE, sa huli ng ikasampung taon pagkatapos ng migrasyon sa Medina, isinakatuparan ni Muhammad ang kanyang unang totoong Islamikong pilgrimahe at dahil dito ay nagturo sa kanyang mga tagasunod ng mga ritwal ng taunang Dakilang Pilgrimahe (Hajj). Pagkatapos ng pagkumpleto ng pilgrimahe, si Muhammad ay nagtanghal ng isang kilalang talumpati na kilala bilang Sermon ng Pagpapaalam sa Bundok Arafat sa silangan ng Mecca. Sa sermon na ito, pinayuhan ni Muhammad ang kanyang mga tagasunod na huwag sundin ang ilang mga kagawiang pre-Islamiko. Kanyang inihayag na ang Arabe ay walang superioridad sa mga hindi-Arabe at ang isang hindi Arabe ay walang superioddad sa isang Arabe. Gayundin, ang isang puting tao ay walang superioridad sa isang itim at ang itim na tao ay walang superioridad sa isang puti maliban sa kabanalan at mabuting paggawa. Kanyang binuwag ang lahat ng mga matandang alitang pandugo batay sa dating sistemang pang-tribo at huningi na ang lahat ng mga pangako ay ibalik bilang mga implikasyon ng pagkakalikha ng bagong pamayanang Islamiko. Sa pagkokomento sa pagiging marupok ng mga babae sa kanyang lipunan, hiningi ni Muhammad sa kanyang mga lalakeng tagasunod na "Maging mabuti sa mga babae; dahil ang mga ito ay walang kapangyarihang bihag (awan) sa inyong mga samabahayan. Kinuha ninyo sila sa pagtitiwala ng diyos at pinatunayan ang inyong pakikpag-ugnayang seksuwal sa Salita ng Diyos, kaya dumating kayo sa inyong mga sentido mga tao, at pakinggan ang mga salita..." Kanyang sinabi sa kanila na sila ay may karapatang disiplinahin ang kanilang mga asawang babae ngunit gawin nila ito ng may kabaitan. Kanyang sinagot ang isyu ng pagmamana sa pamamagitan ng pagbabawal sa pang-aangkin mali ng pagiging ama o ng ugnayang kliyente ng namatay at ipinagbawal sa kanyang mga tagasunod na iwanana ang kanilang mga kayamanan sa kanilang mga tagapagmanang nakasaad sa testamento. Kanyang ring pinanatili ang kasagraduhan ng apat na mga buwang pang-buwan sa bawat taon. Ayon sa Sunni tafsir, ang sumusunod na talatang Quraniko ay inihayag sa pangyayaring ito: "Ngayon akong ginanap ang iyong relihiyon at kinumpleto ang mga pabor para sa iyo at pinili ang Islam bilang isang relihiyon para sa iyo". (Quran 5:3) Ayon sa Shia tafsir, ito ay tumutukoy sa pagkakahirang kay Ali ibn Abi Talib sa lawa ng Khumm bilang kahalili ni Muhammad na nangyari matapos ng ilang nang ang mga Muslim ay bumalik mula sa Mecca tungo sa Medina.
Kamatayan
baguhinMga ilang buwan pagkatapos ng pilgrimaheng pagpapaalam, si Muhammad ay nagkasakit at dumanas ng ilang araw ng isang lagnat, sakit sa ulo at kahinaan. Siya ay namatay noong 8 Hunyo 632 CE sa Medina sa edad na 63 sa bahay ng kanyang asawang si Aisha. Sa paghimlay ng kanyang ulo sa kandong ni Aisha, kanyang hiniling dito na itapon ang kanyang huling mga pag-aaring pangmundo (pitong barya) at ibinulong ang kanyang huling mga salita:
Bagkus, Diyos sa Mataas at paraiso
Siya ay inilibing sa kung saan siya namatay sa bahay ni Aisha. Sa panahon ng paghahari ni Umayyad caliph al-Walid I, ang Al-Masjid al-Nabawi (ang Moske ng Propeta) ay pinalawig upang isama ang lugar ng libingan ni Muhammad. Ang Domong Berde sa ibabaw ng libingan ay itinayo ni Mamluk sultan Al Mansur Qalawun noong ika-13 siglo CE ngunit ang kulay berde ay idinagdag noong ika-16 silgo sa ilalim ng paghahari ng Ottoman sultan na si Suleiman the Magnificent. Sa mga libingang katabi ng libingan ni Muhammad ang libingan ng kanyang mga kasama (sahabah)-ang unang dalawang mga Kalipang Muslim na sina Abu Bakr at Umar—, at ang isang walang lamang libingan na pinaniniwalaang ng mga Muslim na naghihintay kay Hesus. Nang kunin ni Saud ang Medina noong 1805, inalisan ng mga ornamentong ginto at hiyas ang libingan ni Muhammad. Ang tagasunod ng Wahabismo na mga tagasunod ni bin Saud ay wumasak ng halos bawat libingang domo sa Medina upang pigilan ang pagsamba sa mga ito at ang libingan ni Muhammad ay manipis na nakaligtas dito. Ang parehong mga pangyayari ay nangyari noong 1925 nang ang mga militia ng Saudi ay muling kinuha ang siyudad at sa pagkakataong ito ay napanatili ang siyudad. Sa interpretasyong Wahhabi ng Islam, ang paglilibing ay nangyayari sa mga walang markang libingan. Bagaman tinutulan ng mga Saudi, maraming mga peregrino (pilgrim) ang patuloy na nagsasanay ng ziyarat na isang ritwal na pagbisita sa libingan.
Kritisismo kay Muhammad
baguhinBukod sa pagkakaroon ng maraming asawa, binabatikos din ng mga kritiko ang pagapakasal ni Muhammad sa isang siyam na taong gulang na batang babae na nagngangalang Aisha.[5][6][7][8][9] Bukod dito, binabatikos rin ng mga kritiko ang hindi naging magandang pakikitungo ni Muhammad sa Banu Qurayza, isang tribo ng mga Hudyo sa Medina. Ang mamayan ng mga tribong ito ay pinapatay ni Muhammad dahil sa kanilang pakikipagsundo sa mga kaaway ni Muhammad na sumakop sa Medina sa Labanan sa Trench noong 627. Ayon kay Ibn Ishaq pinayagan ni Muhammad ang pagpupugot ng ulo ng 600 hanggang 900 indibidwal na sumuko pagkatapos ng labanan sa Trench.[10][11][12] Ayon sa skolar ng pag-aaral Islamiko na si Welch, ang mga pangingisay (seizures) ni Muhammad sa panahong ito ay maaring pinakahulugan ng mga nakapaligid sa kanya bilang isang katibayan na nagmula sa dios ang mga pahayag na natanggap ni Muhammad. Ayon din kay Welch, hindi tiyak kung ang mga pangingisay ni Muhammad ay nangyari bago o pagkatapos ng unang pagkakataong inangkin ni Muhammad ang pagkapropeta. Ayon naman sa mga kritiko ni Muhammad, si Muhammad ay maaring nasasapian ng demonyo, o isang mahikero o manggagaway dahil ang kanyang karanasan ay katulad sa mga taong nag-aangking ng mga bagay ito sa sinaunang Arabia. Ayon din sa mga kritiko, si Muhammad ay nagpapanggap lang na nangingisay,[13] o mayroong sakit na epilepsy na isang sakit na neurolohikal.[14]. Ang sakit na epilepsy ay itinuring noong sinaunang panahon na kaugnay ng mga karanasang espiritwal at para sa iba ay sa isang pagsapi ng demonyo. Sa panahon ni Hippocrates (na ama ng medisina) noong ikalimang siglo BCE, ang sakit na ito ay tinatawag na "Banal na Sakit".[15]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Why send durood on prophet (saws)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-13. Nakuha noong 13 Marso 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Armstrong, Karen (2005). Mahoma, biografía del Profeta. Barcelona: Tusquets. 84-8310-432-6.
- ↑ Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Muhammad". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 359. - ↑ Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Muhammad?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 22. - ↑ Politics, Gender, and the Islamic Past: the Legacy of A'isha bint Abi Bakr, Columbia University Press, 1994, p. 40
- ↑ Karen Armstrong, Muhammad: A Biography of the Prophet, Harper San Francisco, 1992, p. 157.
- ↑ Barlas (2002), p.125-126
- ↑ Sahih al-Bukhari, 5:58:234, 5:58:236, 7:62:64, 7:62:65, 7:62:88, Sahih Muslim, 8:3309, 8:3310, 8:3311, 41:4915, Sunnan Abu Dawud, 41:4917
- ↑ Tabari, Volume 9, Page 131; Tabari, Volume 7, Page 7
- ↑ Bukhari 5:59:362
- ↑ Daniel W. Brown, A New Introduction to Islam, p. 81, 2003, Blackwell Publishers, ISBN 0-631-21604-9
- ↑ Yusuf Ali, "The Meaning of the Holy Quran", (11th Edition), p. 1059, Amana Publications, 1989, ISBN 0-915957-76-0
- ↑ Frank R. Freemon, A Differential Diagnosis of the Inspirational Spells of Muhammad the Prophet of Islam, Journal of Epilepsia, 17 :4 23–427, 1976
- ↑ Margoliouth, David Samuel (1905). Mohammed and the Rise of Islam. Putnam. p. 46.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Epilepsy: historical overview". Health Topics A TO Z. Nakuha noong 2011-03-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)